Sunday, March 13, 2005
Marunong Ka Bang Kumanta?
Malamig ang simoy ng hangin..Natutulog na ang araw..
Masaya tayong nagkwekwentuhan ng bigla kang nagtanong...
ikaw: Marunong ka bang kumanta?
ako: Hindi..bakit ikaw, marunong?
ikaw: (tawa) Oo naman..tinuruan kasi ako ni *t0o0t*..
ako: Ahh..so ano ngayon?
ikaw: Wala lang..ang sarap kasi ng feeling kapag kumakanta ako..
ako: At panu mo naman nasabi?
ikaw: Ewan..basta..kakaiba talaga yung feeling..
Tapos may ipinarinig ka sa akin na isang kanta..Napakalungkot..
ikaw: O 'di ba?..ang sarap pakinggan?..parang tumatak na sa isip mo at ayaw ng mawala?..haay..medyo nakakalungkot nga lang..(tingin sa akin)
ako: ahmm..medyo..oo na lang ako..hehe..
Hindi nagtagal..At sadyang nakakagulat..
ako: "..kay hirap palang umibig sa 'di tamang panahon...."
(napatigil) aba!..okei pala eh..kakaiba nga yung feeling..masaya na malungkot..na ewan..?..hehe..
Ngunit isang araw..Nakita kita na kasama si *t0o0t*..
Masaya..Sabay na kumakanta..
Tumigil ang lahat..
Napaiyak ako..
Nagulat ka..Lumapit..Nagtanong muli..
ikaw: O, anong problema?..bakit ka umiiyak?
At ang tanging naisagot ko lamang?
ako: ...dahil..tinuruan mo akong kumanta!!..

..sana nagets nyo..
OI!..WEIRD BA?!..PABAYAAN NA......