haaaayyy..
nakakapanghinayang..
kung maibabalik ko lang talaga ang panahon..
kung maitatama ko lang ang mali..
kung mababago ko lang ang mga desisyong pinili ko..
GAGAWIN KO..
pero may magagawa pa ba ako?!
wala..
sa mga alaala ko na lamang mabubuhay ang mga iyon..
habang humihiling na sana ay mabago ang lahat ng iyon..
bakit ba kasi marami akong hindi maintindihan?!
dahil ba bata pa ako??..
bakit, kapag tumanda ba ako ay maipapaliwanag ko na ang lahat?
kung bakit nangyari?
kung bakit naging mali?
naramdaman mo na ba ang isang pagkakataon kung
saan naiipit ka sa mga bagay na dapat mong pagdesisyonan??
un bang nasa gitna ka ng apat na kalsadang patungo kung saan at
kelangang mong pumili kung alin ang daraanan?!
maraming beses na akong nakaranas ng ganyan
at hanggang ngayon naglalaro pa rin sa maliit kong kokote
kung tama ba ang desisyong isinagawa ko..
o kung tama ba ang daan na tinahak ko..
tulad na lang ngayon..
iniisip ko kung ano kaya ang nangyari
kung ikaw ang pinili ko kesa sa kanya?!
kung binigyan kita ng pagkakataon?!
kung binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon sumaya?!
nanghihinayang ako..
ewan ko ba..
bakit kasi ngayon ko lang naisip ang mga bagay-bagay!?
hindi lang iyon..
pati sa ibang aspeto..
kung ginawa ko ba iyon..
magiging ganito pa rin?!
tapos kung hindi ko ba pinatulan iyon
eh di sana naging maayos ang lahat?!
di ba?!..oo!! ako may kasalanan nun??
pero basta!!..feeling ko eh!!
beeeeeeeehhhhlaaaattt!!! >:P
ayun..
sa huli talaga ang pagsisisi..
kaya nga theme song ko ngayon
ay sayang ng parokya..
yeah!!. wateber..
pero cyempre ung ibang lyrics lang dun!!




