SENTI MODE?
"don't wanna let you go..."
mga katagang nakatatak sa buong pagkatao ko..
pero sa tingin ko ay oras na para tumigil..
yung tunay na pagtigil..
kasi feeling ko, masyado na akong nagiging selfish..
masyado na akong nagiging manhid..
yun bang wala na akong alam kung hindi siya..
noong una talaga, nahihirapan ako..
pilit na sinasabi sa sarili na wala na kahit meron pa..
pero ngayon, masasabi ko na na "i will let you go..." nang buong-buo!!!
ang tagal ko rin palang naghintay..
kaya nga lang, nauwi sa wala..
wala pala akong hinihintay..
for two and a half years i have been a fool..
tangang okei lang na nasasaktan at nagbubulagbulagan..
walang pakialam sa damdamin ng ibang tao..
sa wakas at tumigil na ako sa pagtakbo..
sa wakas natuto akong tumalikod at umiba ng daan,
na hindi na lumilingon pa para sayo..
hindi na ako umiiyak nang patago, ng mag-isa..
alam ko na sasaya rin ako,
hindi man kasama mo..
maghihilom din ang sugat kahit hindi maaalis ng panahon..
hindi kita malilimutan,
dahil naging parte ka ng buhay ko kahit sandali lang..
sa pinakahuling pagkakataon sasabihin ko na mahal kita!!!
alam kong magmamahal ulit ako..
pero sana ngayon, sa tamang tao.......sa tamang panahon..




