Monday, September 11, 2006
nakakainis isipin na binabalewala lang ang ginagawa mo. buong buhay ko sa high school, committed ako sa cheering na yan. kahit napapagod ako at saka nasasaktan okay lang. iniisip ko kasi na para naman sa batch namin itong ginagawa ko --- namin. haaayyy. wala lang pala lahat ng yun. ang totoo, tuwang-tuwa talaga kami kahit hindi kami nananalo basta makita lang namin na nagiging isa yung batch namin --- ang batch 2007. iba talaga yung feeling. perooo... ngayon? ewan ko. nakakalungkot. wala na atang mangyayaring ganun. last year na nga eh. tinamad pa. tsk. haaayyy ulit. bahala na. hehehe.
oo nga pala. 170 pesos pala yung batch shirt natin. ang dami ngang nagrereklamo eh. pero yun talaga yung presyo. at wala pong nangungurakot. mas maganda naman talaga ung batch shirt natin ngayon. hindi tulad nung last year. ayun. sana yung mga wala namang alam eh tumahimik na lang. wala naman kasing naitutulong eh. hindi ka naman yayaman dun diba?! sana lang talaga. pero kung ayaw niyo naman talagang bumili eh di hindi, eh di huwag. tapos ang usapan diba?! wala dapat pagtalunan. yebah.