Saturday, November 11, 2006
KINSLEY, sa unang pagkakataon eh gusto kong mag-comment. nabasa ko yung blog mo at halu-halong emosyon ang naramdaman ko. pero sa lahat ng yun, masasabi ko na tama ka. nagsisisi rin ako. oo nga ano?! napaisip tuloy ako nang sobra ngayon. dati hindi ko maintindihan kung bakit lumayo sa atin si retchu ng dahil sa kanya. nagtatampo pa ako nun pero ngayon, hindi ko siya masisi dun sa naging desisyon niya. sana nakinig na lang din ako sa nanay ko. haha. gaya-gaya eh noh?! pero ganun naman talaga eh. kung nakinig lang sana tayo. kung sumunod lang sana tayo. sana hindi ko na lang siya pinagtanggol nun sa mga magulang ko. hahaha. ang sarap tumawa nang masama ang loob mo. nakakabawas kahit papano. mas pinili ko ang manahimik kasi ayokong makasakit. kasi ayokong manira. kasi iniisip ko rin kahit papano yung napagsamahan natin. pero anung ginawa niya?! hahaha. tama ka. hindi pa rin siya nagbago. ang dami talagang namamatay sa maling akala. ni hindi ko nga alam yung ginawa ko sa kanya. haaaiii. tama. hirap na rin akong umintindi. hirap na akong unawain siya. hirap na ako. di ko na rin kayang tiisin pa. tama. tama ka. nakakasawa na. nakakapagod na. sana sinabi na lang niya sa akin. hindi yung sa iba pa tapos may kahalo pang kung anu-ano. hahaha. buti kung katotohanan lahat eh. grabe talaga noh? yung sa hindi natin siya sinasabihan ng mga sikreto... hmmm... nadala lang siguro tayo sa kanya. papano, pag may sasabihin tayo, kahit sabihin natin sa kanya na huwag sabihin o magparinig etc., eh ginagawa pa rin niya. valid naman siguro yung reason natin kung bakit hindi na tayo masyadong nagsshare sa kanya. at kung magsshare man tayo eh naghahanap tayo nang magandang oras tulad nga nang sinabi mo rin dun sa isa mong post. yung sa mga lakad naman, naexplain mo na rin dun. at yun lang naman talaga yung mga dahilan kung bakit hindi na tayo nag-aattempt na yayain siya. dun sa ipinapalit natin si dana sa pwesto niya eh parang hindi dapat ganun diba. nagkataon lang na wala rin siyang magawa at marami siyang oras para sa lakwatsya. chaka wag siyang mag-alala dahil walang sinabi yung mga "yun" na mas grabeh pa sa mga sinabi niya. haha. may mas gragrabe pa ba dun? at chaka hindi naman sila ganun. wala silang magandang reason na maibibigay para palalain pa yung mga nasabi niya. siguro hindi na talaga kayang ibalik. kumbaga sa baso, may lamat na bago pa magsimula ang "pagkakaibigan". basag na basag na ngayon yung basong yun. masakit din naman sa akin yung ganito. biruin mo ba naman diba. pero wala na talaga. sabi mo nga gurl, the limit already existed! hahaha. si God na bahala sa kanya. "...what goes around, comes around. what goes up, must come down." wahehehe. gusto ko pa rin na maging masaya siya. hindi magbabago yun kahit ganito ginawa niya. everyone deserves to be happy, right? and so do i. thank you rin pala sayo gurlfrend! all the way na natin itong friendship natin! hahaha. all the way talaga yung term eh noh?! wala lang. sana pagpalain ka pa ni God. nandito lang din ako parati. salamat sa lahat. lalo na sa pagpapasensiya sa akin tuwing may topak ako. sorry rin sa lahat ng kagaguhan ko. sorry for not being the best. pero don't worry, tinatry ko naman. sobrang hindi kita malilimutan. waaahhh. pag nareincarnate ako, sana makilala pa rin kita. oo kahit bulate na lang ako. hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita at naging bahagi ng buhay ko. isang magandang bahagi pala ng buhay ko. thank you. thank you. huwag kang mababagok ah?! memory card din kita diba?! haaaiii. sa buhay, hindi mo kailangan nang marami kang kaibigan. dahil aanhin mo ang marami kung iilan lang ang totoo. totoo kahit hindi perpekto. hindi perpekto pero mahal ka at tanggap ka. labshu gurl!!! maging masaya ka sana sa lahat ng gagawin mo. mwah3x tsup tsup! gaya lang kay maton! wahehehe. thanks ulit! ;P
_broken @ 4:41 AM