Monday, December 18, 2006
habang ang iba'y naging masaya sa huling presentasyon nila ng carolfest, ang edison four ay isa sa mga hindi naman pinalad na makasali sa kasiyahang iyon. haaayyy. hindi naman ako ipokrita para sabihin na wala lang yun sa akin. siyempre nagpakahirap din ako at ang iba kong klasmeyts na magpraktis ng halos araw-araw. naiinis ako sa iba kong mga kaklase. wala kasi silang pakialam. wala silang dedikasyon sa kanilang mga ginagawa. oo. oo. oo. parang napipilitan lang talaga sila. haaayyy. naiinis din ako sa sarili ko kasi nasanay ako sa isang klaseng may malasakit sa bawat isa. isang klase na may gustong patunayan sa kanilang mga sarili at hindi sa ibang mga tao. isang klase na mararamdaman mo na kahit kailan ay hindi ka mag-iisa sa bawat laban. haaayyy ulit. nakakamiss talaga ang darwin tres. ibang-iba sa edison four. masaya naman sa edison four. nakakatuwa naman ang mga tao. kaya lang, grupo-grupo talaga. hindi siya ganun ka-solid. hehehe. hayaan mo na nga. nalulungkot lang siguro ako. at gusto ko lang ilabas lahat ng iyon dito sa aking munting blog.
"sometimes your best is just ain't enough"
_broken @ 4:55 AM