Friday, December 15, 2006
mga 8 na ako dumating ng school pero konti pa lang yung mga tao. marami siguro ang late o nagpalate o talagang hindi pumunta. may pasok pa rin yung mga lower year pero half-day lang sila. actually, ngayon ko lang sobrang nadama na fourth year na ako. nakacivilian kasi kami (white shirt tapos maong pants) tapos wala lang. haha. hindi. kasi parang pag nakaganun ka, fourth year ka. hahaha. ambabaw. pero kasi naman pag naka-uniform ang lahat ng tao sa kisay, hindi mo matukoy kung sino yung senior sa hindi. hahaha. baby-faced kasi kami eh. nyahahaha!
dami kong food na dinala. pati si dana ganun din. parang magfifield trip tuloy kami! hehehe. so ayun, kain kami nang kain ni dana. gumawa na nga kami ng mini trash can kasi sobrang dami na ng kalat namin.
yung "lessons" namin ay tungkol sa talents, dreams, at time management. well, naabsorbed ko naman yung mga yun kahit papaano at sana ay magamit ko sa hinaharap. (n_n)
"one way" yung ipinangalan namin sa group namin. si karina ata yung nagsuggest nito. basta sa grupo nila. hehehe. kasi nakadisplay sa classroom namin yung signboard na one way na kinuha ng mga lalaki ng edison four nung nasira (kung nasira nga). hahaha. puro kalokohan nga yung nilagay namin na description ng one way group sa manila paper. may "nasty" pa at "malicious". grabehan talaga ang topak namin. hehehe.
dahil wala kaming lunch na dinala, nagpadeliver na lang kami sa sbarro courtesy of kinsley. hehehe. ansarrraaappp!!! hahaha. mahal pero sulit talaga.
pichur-pichur kami ng bogs pagkatapos ng lunch. may signature pose na pala kami. wala lang. nakakatuwa eh. (n_n) ito siya:

mga 1:15pm na nagsimula yung "activity" namin. sarap sanang ikwento dito sa blog pero may code of secrecy ekek kasing ginawa kaya sa puso ko na lang itretreasure yung mga nangyari dun. hahaha. talagang sa puso eh. awww. ahihihi.
basta go one way group!!! galing-galing natin. tayo ang unang nakatapos!!! i love you guys! kahit sandali lang tayo nagkasama-sama. nakakatuwa nga kasi hindi ko alam na natatakot pala yung iba sa inyo sa akin dati. napaisip tuloy ako kung ganun ba talaga ako kasungit tignan?! nyahaha. pero sana dati na lang talaga yung impression na yun. hehehe.
ang dami ring nagkabati ngayon! at siyempre, isa ako sa mga mapalad na napabilang dun. ;P haaayyy. ang saya kahit nakakapagod at sumakit ang mga mata ko. ayun. thank you GOD! ilove you po. at chaka sorry talaga (as in) sa mga kalokohan ko. (n_n)