pagdating namin dun. HUWAW!!! hahaha. namangha?! ang daming tao mga kapatid!!! hahaha. nilagay na namin ang aming mga bag sa aming harapan at ready to rumble na kami. sugod mga payatot!!! gera ba ito?! basta ganun. may mga nag-aalok na sa amin ng mga malalaking plastic bags. may mga nag-hhi ate na mga ewan. at kung anu-ano na ang maaamoy mo. at take note: wala pa kami sa 168 nun. hahaha.
nung nasa daan na kami na papuntang 168, HOLY BIG MAMA!!! gera nga ito!!!!! nagkatinginan na lang kami ni kins. haha. paano kami makakalusot dito?! pero dahil yun lang talaga ang daan kaya wala kaming nagawa. sugoooodddd uleeet!!!
ANG EKSENA: magkahawak kami ni kins ng kamay (hawak kamay! di kita iiwan sa paglakbay!). nasa harapan ko siya at salamat sa Diyos at mga babae rin ang nasa likuran ko. dikit kung sa dikit ang mga tao. as in kulang na lang eh magyakapan kayo habang naglalakad. kelangan mo ring yumuko paminsan-minsan dahil may mga kahong mabibigat at malalaki na binubuhat ang mga kalalakihan at siguradong mabubukulan ka o mas malala'y maputulan ng leeg kung magiging matigas ang ulo mo at hindi yuyuko. ha-ha-ha! may mga humihirit pang mga lalaking papansin ng ganito: OKAY LANG MAHIPUAN, HUWAG LANG MADUKUTAN! well well well. magaling magaling magaling. kung sabagay eh tama naman. pero kung sa akin lang ay walang okay dun. hahaha. hindi pa rin nawawala ang iba't ibang amoy. at sa katunayan ay lalo pa ngang nadagdagan!!! hahaha. infairness, ang baho ni ateng katabi ko. uuuyyy!!! hindi siya naligo!!! hahaha. grabehan talaga. mawawala talaga ang pagiging Kristiyano mo sa mga ganun pagkakataon. hahaha. kaya naman... sorry Lord! hahaha.




