Saturday, December 16, 2006
pagkagising ko kanina, ang sakit pa rin ng mga mata ko. akala ko masakit lang pero pagtingin ko sa salamin... wohow! parang kinagat ng ipis! hahaha!!! kaya inasar na naman ako ng mga kapatid ko. ang arte-arte ko raw kasi at umiyak pa ako. hmf hmf. bakit ba?! feel ko eh. hahaha. buti na lang pagkaligo ko nawala na yung pamamaga. ayoko namang sumimba na ganun yung itsura ko diba?!
pumunta kaagad ako sa bahay ng lola ni maricor pagkatapos magsimba. dun kasi yung venue ng praktis namin sa carolfest. nakakainis nga kasi last praktis na nga, hindi pa rin kami nakumpleto. ang totoo wala pa kaming naging praktis na lahat kami eh nandun. makikita mo si ganyan ngayon, bukas hindi na. problema pa, wala pang costume yung girls kasi wala na raw stocks yung store sa divisoria. eh @$^* pala eh! grrr! ang labo kausap. kaenes. so anu kaya mangyayari sa amin nito?! haaaayyy goodluck na lang talaga sa edison. kahit mapresent na lang namin ito nang maayos. namimiss ko tuloy yung darwin 3. haaayyyyyy ulit.
nagkita kami ni mama sa sm nung pagkatapos ng praktis. bumili na ako ng damit sa christmas party. ang napansin ko lang, hindi na ganun karami yung mga taong bumibili. i mean hindi na yung siksikan kung baga. hindi tulad ng dati na talagang pag may nakita kang maganda at bagay sa iyo na damit eh kunin mo na dahil kapag hindi, hindi mo na yun makikita poreberrr!!! nyahahaha. ayon.
nasa mga balikat-braso-kamay-hita-binti-paa namin ni kinsley ang paghahanap ng costume naming mga girlaloos para sa monday bukas. susuungin po namin ang napakasikip na divisoria para lang dito. gosh. sana eh makauwi pa kami ng buhay at kumpleto. nyahahaha. pero seryoso, yun talaga ang kakaharapin namin bukas. i can see it very very damn clearly. ganun pa man. i am little bit excited about this whole thing. woohooooww!!! \m/