Wednesday, January 10, 2007
nag-exceed kami ngayon. kaming tatlo ni kyle at kinsley. wala lang. nakakamiss lang. hehe! ang galing na talaga ni maton. tapos ako naman parang hindi na marunong. as in yung isang stage pa lang, hinihingal na ako. tsk. hindi na talaga ako sanay. pero okay na yun. hindi na ako maaadik dun. ayoko na ng malaking binti! hahaha!
sinundo ako ni ate mayo sa wof kaya iniwan ko na yung dalawang K. may date kasi kami. wahehe. matagal na naming plano ito. ngayon lang naming naisagawa kasi ngayon lang kami nagkaroon ng time. hehe. girl bonding mode kami. nag-take out kami sa pizza hut tapos nood kami ng kasal, kasali, kasalo. :) ang saya rin nung movie. hindi kataka-takang nanalo siya. hehehe. ang gwapo ni ryan dun. wala lang. ahihihi. 9pm na ako nakauwi kaya medyo nasermonan nang kaunti. pero okay lang. masaya pa rin naman. sana maulit. at para maulit, kailangan ko na namang mag-ipon. wahehehe.