Thursday, January 25, 2007
dress rehearsal namin kanina sa Rent. hindi pa ayos yung sa amin. haha! magulo pa talaga. ang totoo nga nyan, ngayon lang naging malinaw sa akin yung mga ginagawa namin. yun bang: "ahh, ganun pala 'yon?!" hahaha! pero infairness, ang kyut pala niya. astig! :) kailangan lang talaga ng isang seryosong pagpapraktis. puro kasi kami kalokohan. haha. wala lang. ang galing talaga ng edison 4 pagdating sa mga arte-arteng ganito. pramis. hindi dahil sa kami'y maaarte, kundi dahil sa mga talentado kaming lahat. nyahahaha! (bakit ba?! blog ko ito! beh!)
anyway, ito na ang highlight story ng araw ko ngayon. hassle nga kasi pagkatapos naming "magkalat" kanina sa classroom, eh diretso naman kami sa kantahan. tapos yun nga pumunta na kami ni erpak sa conference room. kaya lang bigla kaming tinawag na dalawa kasi magpapaclass picture pa raw yung edison 4 para sa prom. so?! musta naman yun?! tapos ang problema pa, kailangan siyempre na nakauniform. eh di yon, todo bihis naman ako. pinatong ko na nga lang yung uniform ko sa damit ko at palda. hahaha. ang masaya lang, pagkatapos nung pichuran, halos lahat ng kaklase namin ay pumunta din sa conference hall! wooo! dumami bigla ang aming supporters! clap3x! :)
pang-anim kami sa magpeperform kaya medyo nakapaglabas pa kami ng tensyon, kaba, at lahat na! nakakatawa nga kami ni erpak. kung anu-ano pinagsasasabi namin sa isa't isa. tulad nito:
ako: wah erpak kinakabahan ako!
erpak: ako rin eh!
ako: waaah! dapat hindi tayo kabahan! kaya natin 'to! aja!
erpak: oo kaya natin 'to brad!
*apir*
hahahaha. may matching tanong-tanong pa yan sa mga tao kung kaya ba talaga namin. tapos nung malapit na talaga kami magperform, ito na naging usapan namin:
ako: grabe malapit na tayo! *hinga malalim*
erpak: kaya natin 'to. anu ka ba.
ako: oo nga. wah hindi na ako kinakabahan! (ows?!)
erpak: ako rin. basta akin yung isang mic.
ako: oo sige. basta i-testing muna natin para sure.
erpak: okay. teka brad, pray tayo.
ako: okay. :)
sa unang pagkakataon ay nagpray kaming dalawa ni erpak bago kumanta. haha. infairness, ang kyut nung prayer namin. ang kulit ko rin. imbes na "Siya nawa" yung response ko ay nagiging "aja!". haha. hindi ko naman sinasadya yun. pangpawala lang siguro ng kaba. ayun. :)
dumating ang oras na kami na. hindi yung "kami na" na magsyota na kami. as in "kami na ang magpeperform" for long at "moment na namin" for short. (n_n) testing-testing ng mic. ngiti-ngiti. at ang iingay ng aming supporters. hahaha. i love it.
ang mga sumunod na nangyari ay ang application ng mga natutunan namin sa theatre arts!
hahahahaha!
at sa wakas natapos na. hahaha. nag-enjoy kami. astig at nawala talaga yung kaba namin. parang nasa videoke nga lang kami kanina. hindi kami nagkamali. nakakatuwa. pagkatapos nang ilang minuto, in-announce na yung mga nanalo. at yahooo! yahooo! champion ulit kami! waaah. (T_T) tears of joy. galing namin. hahaha. payabang mode. hahaha. happy happy.
++ erps! galing natin! galing ni God! aja! ay hallelujah pala! hahaha. buti hindi natin pinalitan yung piece natin noh?! ahehehe! :)
++ ma'am velasco, sorry sa pagcut ng buong edison 4 sa klase niyo. nanood po kasi sila sa amin. :P
_broken @ 6:49 PM
Wednesday, January 24, 2007
elimination round kanina sa scientia singing contest (duet) ng english club. siyempre sumali ulit kami ni erpak. hahaha. when i fall in love yung napili naming piece. mas simple siya kesa sa piece namin last year na to where you are, pero mas malupit siguro. hehe. at saka medyo tiwala na rin ako dito kasi alam na alam na naming dalawa yung tono. wahehehe. pangatlo kami sa nagperform. ayun. ayos naman siya. nakapasok kami sa championship round na gaganapin bukas. kaya lang halatang-halata kanina na kabado kami pareho habang kumakanta. haha! yung ano, gumagaralgal pa yung mga boses namin. vibrato effect?! hahaha. sobrang nafifeel kasi namin yung pressure. oo, kahit wala si sir jack bacabac upang magsabi sa amin ng "just feel the pressure"! haaay! alam niyo na, we need to defend our title last year. ahihi. hopefully, bukas hindi na kami kabahan. we need your support, guys! ahehehe. :)
_broken @ 6:15 PM
Monday, January 22, 2007
yipee! pumasa ako sa UPCAT! film and audio-visual communication yung course ko. hindi ako pumasa sa dentistry pero okay lang. masaya pa rin naman ako. :)
nagtext kasi si dana kaninang umaga na lumabas na raw yung results. siyempre todo kabado naman ako. feel na feel ko kasi ang aking kabiguan sa test na yun. ang dami kong nagawang mali nung nagtest ako. tsk. tsk. hanggang sa nagtext na rin si kinsley at binalita na pumasa raw ako! weee!!! talon-talon mode ako! hahaha! talon! talon! hehehe! tapos sinabi ko na kay mama kaagad siyempre. weee!!! :)
pagdating ko sa school, sobrang ingay sa covered court. tanungan nang tanungan ang mga tao. infairness, ang daming pumasa! yun nga lang mayroon din namang mga bumagsak. pero konti lang naman. ayun. congrats '07! galing natin! wahehehe. 80+% ang upcat passers sa kisay this year at wala pang recon dun. :)
okay na sana lahat ngayong araw, kaso nga lang may mga umepal pa sa aming moment. hahaha. masyado na raw kaming nagdidiwang eh hindi pa naman daw kami gumagradweyt. "nagmamayabang" na raw kami. aysows! tuwang-tuwa lang naman talaga kami at hindi lang namin mapigilan. yun lang yun. at sa sobrang tuwa nga na yun, ayaw na naming magperio! joke! weee! hahaha. hay naku, kill joy talaga. hahaha ulit.
God, thank You po pala. :)
_broken @ 7:34 PM
Saturday, January 20, 2007
sa wakas, natuloy na rin yung exchange program namin sa sampaloc church. palagi kasing nauudlot dati. ewan ko lang kung bakit. ayun. naging maayos naman siya. salamat din at nakipagcooperate sila sa amin. ang ayokong part lang naman dun ay yung na-technical kami sa "if i were" presentation namin. gosh. eh mukha pa naman kaming tanga dun. hahaha!!! oh well, ganun talaga. :)
_broken @ 6:30 PM
Wednesday, January 17, 2007
NCAE namin kanina. hmmm. . . okay lang yung test. madali naman siya kaya lang nakakabagot kasi ang haba at ang tagal ng oras. sumakit na nga yung pwet ko kanina sa kakaupo kaya sa sahig ko na ipinagpatuloy yung test. haha! pero infairness natuwa ako sa verbal ability test. wala lang. ang kyut nung mga kwento. at saka buti na lang hindi boring sa amin. ang ingay kasi nila kim. tapos ang kulit pa ni nikki. haha! wala na talaga. sabog kung sabog eh. ayun. sana lang maganda yung resulta nito. go kisay! go '07! :)
happy birthday jihad! tumanda ka na naman partner! goodluck sa buhay! God bless! :)
_broken @ 6:37 PM
Thursday, January 11, 2007
sa encore ipinagdiwang ni tan ang kanyang 16th birthday. kami --- ako, aaron, aurielle (ehem!), bebs, dana, denise, froilan, jp, john2 (eheem!) , kinsley, kyle, at lyssa --- ay nagkalat na naman ng lagim sa pamamagitan ng pagkanta o pwede na rin nating tawagin na pagtula at pagsigaw. hehe! naenjoy namin ni dana ang pagkanta ng doctor jones at shalala with matching sayaw-sayaw pa. binaha kami ni birthday girl ng mga kantang warap-warap. puro kaewanan naman ang kina denise, kinsley, at lyssa. bumanat si videoke king jp ng pretty boy (?!). rakrakan mode naman si poli at froilan. hindi ko alam ang mga kinakanta nila! hehe! si john2 kumanta ng halaga. hmmm. . . bakit naman kaya?! haha! si aurielle naman, pangiti2 lang. hindi nga namin napakanta yun kahit isang beses! hmmm. . .bakit na naman kaya?! haha again! si kyle naman, binirit ang kanyang masterpiece na chiksiloooooggg!!! hahaha! at nakipagkompetensya naman kami ni bebs kay videoke king sa score na 100. kinanta namin ang pag-ibig kong ito at bakit ba?. awww yesss!!! :)
tulad nang inaasahan, late na akong nakauwi. at siyempre nakatikim na naman ng sermon (wooo! sarap!). hehe! pero okay lang. at least nag-enjoy ako. diba diba?! :)
hmmm. . .sana naging successful ang first move?! >:)
_broken @ 9:43 PM
Chatty Chat
please TAG before you leave! :)
Wishes
[_] new cellphone
[_] ipod
[x] chucks
[_] new guitar
[_] unliload?
[_] more money
[_] bears
[_] chocolates
[_] burgers
[x] pizzas
[_] movie tickets
[_] chick-flick dvds
[_] mr. right :)
[x] good health (esp. for my family)
[_] good grades
[x] more blessings
[_] great year 2007
[_] more friends
[x] pass entrance exams!!!
[x] better relationship with GOD