Tuesday, December 20, 2005
SIGNS. ano nga ba?
sign in.
sign out.
no jay walking.
pedestrian lane.
men at work.
slippery when wet.
no loading and unloading.
bus stop.
stop.
children on board.
not for hire.
this way.
no u-turn.
caution.
danger.
flammable.
no smoking.
observe silence.
ilan lang yan sa mga signs na nakikita natin araw-araw.
yun nga lang,
hindi yan ang gusto kong tukuyin.
kundi yung mga signs na mahilig nating hilingin kay God.
naalala ko ang isa kong klasmeyt.
sabi niya:
"God, kapag po umulan mamayang paglabas ko ng bahay, ibig sabihin po nun, may pag-asa pa."
paglabas niya...
...umulan
at tuwang-tuwa siya.
pero alam niyo kung ano?
wala rin.
walang nangyari sa kanila.
may nahanap na iba yung guy.
meron pa.
sabi ni kaibigan:
"God, kapag nginitian niya ako tapos kinausap sa sunday, ibig sabihin nun, may gusto na siya sa akin."
dumating ang sunday.
nagkita naman sila.
yun nga lang,
hindi man lang siya pinansin nung guy.
so ano?
todo iyak si girl.
hindi raw talaga sila para sa isa't-isa.
mali raw siya.
masyadong nag-assume.
after three months.
naka-move on na raw siya.
tapos malaman-laman namin,
nakahanap na ng iba ang loka.
haaayyy.
hindi pa dyan nagtatapos ang kwento.
naging sila nung bago niya.
pero ang nakakabaliw talaga,
one day-isang araw, nagtext sa kanya yung guy.
sinabi ang lahat ng nararamdaman para sa kanya
at nagtanong pa kung pwedeng manligaw.
awooooooo...
grabehan yung ganun eh.
sayang.
sobra.
at siyempre.
ako.
tulad nila.
at tulad mo.
ganyan din.
humihingi ng mga signs kay God.
maraming signs.
as in.
papalit-palit pa nga ako kung minsan.
depende sa trip.
ewan.
pinakahuli kong sign na hiningi ay nung monday, december 12, 2005 lang.
sabi ko:
"God, ganito na lang, kapag after three days simula bukas at hindi pa siya *erase*, hindi na ako aasa, hindi na po ako maghihintay."
thursday na.
...wala...
*tugtug*...*tugtug*. . . *tug*. . . *tug*
parang tumigil pansamantala ang pagtibok ng puso ko.
nalaman ko na lang,
umiiyak na pala ako.
eto na naman.
naramdaman ko ulit yung kirot.
hindi ako makapaniwala.
pero pinipilit kong tanggapin.
...parang gusto kong bawiin yung hiningi kong sign kay God.
sunday.
10:30 ng gabi.
nakipagkwentuhan ako sa pinsan ko.
ewan ko kung paano
pero napunta ang usapan namin sa signs.
tinanong ko siya.
sabi ko:
"bakit ate, masama bang humingi ng signs?"
sabi niya:
"hindi naman...pero minsan kasi inuunahan natin Siya..."
ako:
"inuunahan?...paano?"
siya:
"eh di ba, madalas tayo ang nagbibigay ng mga signs na hihintayin natin?...ayun...dapat Siya ang nagbibigay...hindi tayo..."
ako:
"oh?...eh paano mo malalaman na yun na yung sign na yun?...i mean yung hiningi mo?"
siya:
"basta...malalaman mo na lang na yun yung sign na yun kapag nandun ka na...sa tamang panahon..."
mali pala...
mali ako.
tama si ate.
si God na bahala.
hindi ko kailangang magmadali.
may kanya-kanyang panahon ang bawat bagay.
darating din ang tamang sign sa tamang panahon.
wala lang. ;P
sana may naibahagi ako kahit papano.