Thursday, December 30, 2004
OKEI...KWENTO NAMAN AKO...
BLOG. hayy..ayun..medyo maayos na ung blog ko..wahahahaha..nilagyan ko pa cya ng background song para naman ma-inspired ako..kanina pa nga ako nakaupo dito sa aking trono..mula 1:05pm..at hanggang ngayong 4:04pm..anong petsa nah?!?!?!..ang sakit na ng likod ko!!!..arrghhh!!!..alam mo ba..ngayong week na ito..laging 12pm ang gcng ko?!!..wadapak..bale 'brunch' na ang kinakain ko palague..3am na kasi ako nakakatulog..my gahhdd!!!..bumabalik na naman ung insomia ko!!!..kainis..lalaki na nga ng eyebags ko!!..abot bibig nah!!!..waahaaw!!!..eniwei..nagforums lang ako kanina..nagparami ng posts..feeling ko nga ako si 'dear manay letty' sa mga pinagsasasabi ko dun..ang galing ko sobrang mag-advise!!!..naks!!..pero ang sarili, hindi mapagsabihan..tsktsk..natutuwa rin ako dun sa blog ni dana..hahaha..nakakakilig silang dalawa ni tooot..haaayyy ulit..
FRIENDSTER. gumawa na rin pala ako ng friendster account namin ni kinsley..'krishley' nga ung display name nya..hahaha..nakakatawa..pinaghalo raw bah?!..pati nga ung apelyido namin, pinaghalo..'venrencio'..hahahahaha!!!..
grabeh..nakakatawa..ang pangit kasi!!!..masaya naman ako ngayon para dun sa dalawang kong kaibigan na nag-iibigan..hehe..ang kyut nilang dalawa..lalo na kapag nag-aaway..away-bati nga sila parati eh..pero okei lang kasi strong pa rin ung relationship nila..kahit maraming bumabatikos (naks!..ang deep!!) at pilit silang pinaghihiwalay..ehem!!!..nagiging 'dear manay letty' na naman ako!!!..tetestihan ko pa pala sila..haha..si kinsley naman..ayun, kahit papano nakakita ng cellphone..naiwan kasi ung cell sa tricycle?!?!..nakow!!!..naaalala ko na naman ung cellphone ko dati!!!..syett!!!..leche ung nagnakaw nun!!!..mahal ko pa naman ung cellphone na iyon..sayang ung 176 love quotes na nakasave dun at halos mamemorize ko na!!!..sayang din ung mga number ng mga papabol ko dun!!..wahahaha..jowk lang..as if naman meron dabah?!..
OFME. kinakabahan nga rin ako sa monday..may opm kompetisyon kasi kami..at sa kasamaang palad, ako ang kakanta para sa aming dakilang section!!!..ang totoo, ayokong kumanta!!!..gusto kong umabsent!!!..nakakahiya kaya dun..baka kung ano pa ang mangyari sa akin dun!!!..tsk..waaahhh!!!!...waaaaaaahhh ulit!!!!..tapos, ako pa pala ang magrereport sa botany!!!..ako lang mag-isa!!..kainis..buti kung may matutunan ung mga kaklase ko dun..???..ah basta!!!..for the sake na makakuha ako ng mataas na grades, magrereport ako!!!..hayaan mo na sila..wahahaha..ang sama..may long test pa pala kami sa geometry!!!..powtek!!!..babagsak na naman ako!!!..kelangan ko nang mag-aral..kelangan kong tumaas ang aking mga grado!!!..charing!!!..buti na lang at natapos ko na ung dalawang tula na pinapagawa ni sir sanghel..isa na lang ang gagawin ko..ay!!..pati pa pala ung sa mapeh ko!!!..waaahhh!!!..ang tamad ko kasi!!!..naman..kaya cmula mamaya..hindi ko na mahahawakan itong aking paboritong piano at trono...hayyy na naman...ito pang kuya kong ewan, nagpapagawa ng summary ng woman with two navels..as if??..as if binasa ko un?..eh kinopya ko nga lang sa kaklase ko ung book report!!!..kakatamad basahin ung librong un..maniwala ka kapatid..ang boring nya..tapos ganito?!..grrrrr...ung confucian analects pa pala!!!..ano ba yan!!!..ang daming project at assignment!!!...anyway, highway, my way, low waist..iniisip ko kung mag-susuot ako ng polka dots sa new year..haha..at kung tatalon ba ako pag dating ng alas dose...hindi naman siguro masama ang maniwala lalo na't kagaya mo akong uto-uto..harharhar...sa luvlayp ko..ay!!.ay!!..wala nah..haha..masaya na ulit ako..pabayaan ko na un..wala naman siyang kwents..ayunn...wala na akong maikwekwento kaya babush nah!!!! :)
_broken @ 1:01 AM
Tuesday, December 28, 2004
ANG HIRAP!!!
GRABEH!!!. ang hirap gumawa ng sariling template!!!..ang sakit na ng likod ko!!!..waaaahhh!!!..nung monday ko pa ito ginagawa at hindi pa rin tapos..sana lang magawa na ito!!!..
_broken @ 10:56 PM
Sunday, December 26, 2004
NEW YEAR..MALAPIT NAH!!!...
NAMISS KO TOH. tagal ko nang hindi nakakapagblog ah..anyway, medyo okei na ako ngayon..nakakapagmove on na ako..???..hahaha..okei din naman ung christmas ko..marami naman akong natanggap..malapit na rin ang new year!!!..2005 na!!!..hayyy..kaya marami na naman akong mga new year's resolution..sana matupad ko ung mga yon noh?!..magpapakabait na kasi ako!!!..wahehehe..un lang..wala naman akong masyadong makwento..hihihihi.. :)
_broken @ 9:22 PM
Monday, December 20, 2004
YEEHAA!!!. ayun..kakapagod ang araw na ito..okei naman ang aming christmas party..puro dessert ang aming handa..wahehehehe..sobra-sobra ang aming mga softdrinks kaya namigay na lang kami..(naks!)..nakakatuwa rin ung laro namin kanina kahit hindi ako naglaro..ung talong relay un..hahaha..nakakatawa talaga ung mga itsura ng mga klasmeyts ko habang naglalaro ng ganun..nagkulang pa nga kami ng mga spoon and fork pero thank god at may naitabi pa pala kami..wala kaming dalang kaset pero dahil sa sobrang lakas ng sound system ng katabi naming room, eh parang meron na rin.. :) ..ang daming nagskirt kanina..ndi naman bagay dun sa iba!..nakakatawa tuloy..hayy..pagkatapos ng christmas party, nagpunta kami sa sm..nag-dance maniax kami..(as if naman may bago dun?!)..alam mo ba na 17 tokens ang hinulog namin kaya ung iba naghintay nang matagal..harharhar..naiinis na nga sila sa amin sa sobrang tagal!!!..nakow, bahala sila!!!..pera naman namin un!!!..inggit lang sila dahil marami kaming rounds ng d.m.
SINE,SINE. pagkatapos nun, nanood kaming sine.."honey" ung title..un rin ung name nung bida..tungkol siya sa breakdancing..hiphop..basta parang ganun..choreographer si honey daniels dun..astig ung mga steps pero walang kwenta ung story..walang thrill..
GRADES!!!. ayun..tungkol dun sa grades ko..hayy..bumaba ako!!!..".2" ang binaba ko!!!..lintek na math iyan!!!..buti na lang hindi ako pinagalitan.. :) ..tapos ang saya ng lovers in paris ngayon!!!..ayiihhaa!!!..pero nakakalungkot ung sinabi ni martin ah..ung sinauli ni vivian ung cellphone sa kanya..sabi niya, "lahat na lang ng bagay na ibinigay ko sa'yo, binabalik mo..dati ung puso ko, ngayon ung cellphone..sorry dahil wala akong maibabalik sa'yo..hindi mo naman kasi binigay ung puso mo..iba ang minahal mo.."..waaahhh!!!..ang taray!!!..tagus-tagusan un ah!!!..nakakatuwa rin ung eksena dun sa bus..ang kyut ni carlo!!!..wahehehehe..ang saya pa nung proposal ni carlo!!!..hahaha..nakakatuwa ung mga choices..hmm..about my fucking lovelife?!..ganun pa rin..walang kwenta..aaasssaaarrrr!!!!!!!!!!.. >:(
_broken @ 4:32 AM
Saturday, December 18, 2004
CHRISTMAS PARTY. hayy..nakow..malapit na naman ang christmas..wala lang..nasabi ko lang..hehehe..actually, katatapos ko lang magtesti kay phil..wahehehe..nakabili na rin me ng susuotin ko sa christmas..charing!!!..hehehe..ay!!nga pala..bukas na ung christmas party namin..hayy..wala na naman cgurong kwenta un..bigayan na rin ng cards namin bukas!!!..waaaahhh!!!..patay na ako!!!..lagot talaga ako bukas..bibitayin na ako!!!..bumaba kasi ako ngaun..lecheng mga project yan!!! >:( ..sana makita ko cya bukas!!!..tsktsk..eniweiz, hindi ako nakapunta sa sophies night nung friday..hindi kasi ako pinayagan..naman!!!..pero okei na rin kasi nakita ko naman si kitchie nadal!!!..ayyiiihhhaaa!!!..ang ganda niya!!!..ang puti-puti pah!!!..idol!!!..tumingin pa siya sa akin at ngumiti!!!..ang taray!!!..ang saya talaga..sayang hindi ako nakapagpa-autograph!!!..kaasar din naman kasi hindi ako nakapanood ng lovers in paris!!!..arrgghh!!!..kaya pakwento na lang ako..huhuhuhuhu!!!..sige, sa susunod nalang!!! :)
_broken @ 6:11 PM
Tuesday, December 14, 2004
GRABEH NA ITO. nahihirapan na ako..sobrang nasasaktan na ako..sabi ko sa sarili ko:"tama na..wala na" pero parang wala lang..hindi ko pa rin maiwasang maiyak sa tuwing naiisip ko siya..sana mahalin rin siya nung mahal niya..ayokong maramdaman niya ung nararamdaman ko..ayokong matulad siya sa akin..gusto kong makita na masaya siya..kahit sa iba na siya mapunta..wala rin naman akong magagawa..sana makaya ko to..hayy..minsan nga iniisip ko na sana iba nalang ung minahal ko..ung mahal din ako..ni hindi ko na nga masabi sa sarili ko na masaya ako eh..kahit anong paglilibang na gawin ko sa sarili..tanga-tanga naman kasi ako!!!..sa dami-dami ng lalaki sa mundo, bakit siya pa?!..siya pa na may iba na..tsk!tsk!..saya ano?! :'(
_broken @ 2:57 AM
KAHIHIYAN. hindi ko alam kung maiiyak ba ako or what dun sa nangyari..palpak ung presentation namin sa carolfest..wala kami sa timing..kabado siguro kaming lahat kaya ganun..hayy..sayang talaga..maganda na ung prinaktis namin sa klasrum sabay pagdating ng presentation...blaaaggg!!!!..magkalat daw bah?!..halos maiyak nga ung presi namin..nakow..kakahiya..babawi nalang kami siguro sa susunod?!?..
_broken @ 2:44 AM
Monday, December 13, 2004
CAROLFEST CHUVANES!!!...
PRACTICE. waaahh!!!..badtrip!!!..aaaaahhhhh!!!..gusto ko talagang sumigaw!!!..ung lahat ng tao maririnig ung hiyaw ko!!!..bakit ganun?!..ibinigay ko na lahat ng makakaya ko para lang dyan sa carolfest na yan, pero parang walang silbe!!!..lintek!!!..nakakainis talaga..kesho pagod na raw sila?!..sino kayang mas pagod ah?!..ang aarte pa ng iba!!!..buti kung may naitutulong sila dbah?!..asar!!!..ang daming p-vip!!!..kelangan pang sigawan ng ilang beses para sumunod..ano kaya un?!..tapos magtatampo kapag naganun mo!!!..hayy..nakakaiyak..lagi na lang ganun..maawa naman sila noh?!..parang wala silang balak manalo..kuntento na ba sila na lagi kaming nasa last place?!..ang sama talaga ng loob ko..naaawa na nga ako sa presidente namin..siya na lang lagi ang gumagalaw..halos maiyak na nga rin ung nagtuturo sa amin..wala talagang kooperasyon!!!..nakakaiyak..sana lang matapos namin un bukas..para naman kahit papano, may maipresent kami..*cry* :'(
_broken @ 4:34 AM
Saturday, December 11, 2004
MAGPAPAKILALA AKO!!! ako po c krishna rae espedido ventura..kasalukuyang nag-aaral sa dakilang eskwelahan ng quezon city science highschool.."kisay" ito kung tawagin para raw kyut..hehehe..sa mura kong edad (kung "mura" man ang maitatawag dun..), marami na akong naranasan at natutunan..masaya naman ang buhay hayskul kahit minsan sobrang nakakabadtrip..nandyan na ang umuusbong na lablayp..sa kasalukuyan, hindi ako swerte sa aspetong iyan..naaasar nga ako kung bakit may ganyan pa!!!..well anyways, nandyan din pala ang mga nakakabaliw na projects..ung halos hindi ka na makakain at makatulog para lang maipasa iyon sa patay na linya o deadline..dito ko rin natutunan ang mga bansag na: "FC" o feeling close at "GC" o grade concious..mga expression at salita tulad ng: "asa", "cheesemaxx", "hala", atbp.!!..kabaliw!!!..meron din dito ang mga nakakadiring CR..hay grabeh!!..may mga kulangot ba?!..eeeww!!!..pramis!!..nakapahid sa pader!!!..waaaahhh!!!..kadirs talaga!!!..biruin mo, hayskul na..tapos ganun prin?!..so tama na yan!!!..balik na tayo..dito rin ako naka-encounter ng mga taong pakialamera ng buhay ng may buhay..powtek!!..hindi na lang paunlarin ang kanilang mga sarili..meron ding mga inggitera to the max!!!..waaazzhh..pwede ba?!..tigilan ako?!..meron din namang reyna at reyno ng kplastikan!!!..nakow..tumigil kayo..hayy..hindi ko alam kung bakit ganon sila..bakit parang ayaw nila akong maging masaya..sabihin at gawin ang gusto ng hindi pinag-uusapan at pinakikialamanan..hmmmmp!!..nandito rin pala ung mga teacher na sumasama ung loob kapag hindi nababati..pero kapag binati mo naman sila..aaarrrgghh!!..kabanas!!..hindi ka papansinin!!..ano ba yun?!nandito na rin ang mga sobrang daming contest at pakulo..ang mga programa na minsan ay walang kwenta na halos wala na talagang nakikinig o nanonood man lang..dito ko rin unang nalaman ang PDA!!!..(oo!inaamin ko!!..hindi ko alam dati yan!!)..hahahaha!!..minsan nga kapag bangag kami ni kinsley, ginagawa namin toh!!..hahahaha..inggit naman ung iba!!!..nakuuu!!!..pero take note!!..dito lang rin ako nakakita ng mga nag-aano!!!..aherrmm!!..yucky!!!..meron pa ngang mgahindi na ano..un na un..grabeh!!!..ang lala!!!..hayyy..anyways..nung first year ako..fleming ung section ko..ngayon, darwin..medyo umunlad..batch 07 ako..ang pinakamaangas daw, pinakabounded, at pinakamasayang batch!!!aayyyiihhhaaaaaa!!!!..mahilig ako sa rock, love songs, etc..gusto ko ang kulay black, red, blue and pink!!..wala akong paboritong pagkain..halos lahat kinakain ko..hayy..tama..matakaw ako!!..hindi lang halata..hindi ako selosa..mataray ako..pero sa mga nagtataray lang skin..ayoko ng plinaplastik ako..kung galit ka skin, e di galit!!..ganun lang un..adik ako sa dance maniax..halos araw-araw akong nasa sm..lalaki halos lahat ng kaibigan ko..ewan ko ba..pero mas masarap silang kakwentuhan kesa sa babae..at chaka konti lang ang mga plastik skanila..mahilig akong kumanta kahit ayaw skin nung kanta..mahilig din akong sumayaw kahit para akong tuod..meron akong kuya na epal ngaun..mamaya mas epal pa at kinabukasan, epal pa din..may kapatid akong bata na walang pakialam sa mundo..mga magulang na kapatid ang turing ko..ayoko ng math..gusto ko ng science and history..crush ko sila ano..love ko, siya!!..pinakalove ko si God!!! *mahaba ba?!..maikli pa yan..hehehehe.. :)*
_broken @ 6:44 AM
ASTEEG. nakakatuwa naman ito..hihihi..ang saya!!!..sa susunod nalang ako magkwekwento.. :)
_broken @ 6:26 AM
Chatty Chat
please TAG before you leave! :)
Wishes
[_] new cellphone
[_] ipod
[x] chucks
[_] new guitar
[_] unliload?
[_] more money
[_] bears
[_] chocolates
[_] burgers
[x] pizzas
[_] movie tickets
[_] chick-flick dvds
[_] mr. right :)
[x] good health (esp. for my family)
[_] good grades
[x] more blessings
[_] great year 2007
[_] more friends
[x] pass entrance exams!!!
[x] better relationship with GOD