Tuesday, December 20, 2005
SIGNS. ano nga ba?
sign in.
sign out.
no jay walking.
pedestrian lane.
men at work.
slippery when wet.
no loading and unloading.
bus stop.
stop.
children on board.
not for hire.
this way.
no u-turn.
caution.
danger.
flammable.
no smoking.
observe silence.
ilan lang yan sa mga signs na nakikita natin araw-araw.
yun nga lang,
hindi yan ang gusto kong tukuyin.
kundi yung mga signs na mahilig nating hilingin kay God.
naalala ko ang isa kong klasmeyt.
sabi niya:
"God, kapag po umulan mamayang paglabas ko ng bahay, ibig sabihin po nun, may pag-asa pa."
paglabas niya...
...umulan
at tuwang-tuwa siya.
pero alam niyo kung ano?
wala rin.
walang nangyari sa kanila.
may nahanap na iba yung guy.
meron pa.
sabi ni kaibigan:
"God, kapag nginitian niya ako tapos kinausap sa sunday, ibig sabihin nun, may gusto na siya sa akin."
dumating ang sunday.
nagkita naman sila.
yun nga lang,
hindi man lang siya pinansin nung guy.
so ano?
todo iyak si girl.
hindi raw talaga sila para sa isa't-isa.
mali raw siya.
masyadong nag-assume.
after three months.
naka-move on na raw siya.
tapos malaman-laman namin,
nakahanap na ng iba ang loka.
haaayyy.
hindi pa dyan nagtatapos ang kwento.
naging sila nung bago niya.
pero ang nakakabaliw talaga,
one day-isang araw, nagtext sa kanya yung guy.
sinabi ang lahat ng nararamdaman para sa kanya
at nagtanong pa kung pwedeng manligaw.
awooooooo...
grabehan yung ganun eh.
sayang.
sobra.
at siyempre.
ako.
tulad nila.
at tulad mo.
ganyan din.
humihingi ng mga signs kay God.
maraming signs.
as in.
papalit-palit pa nga ako kung minsan.
depende sa trip.
ewan.
pinakahuli kong sign na hiningi ay nung monday, december 12, 2005 lang.
sabi ko:
"God, ganito na lang, kapag after three days simula bukas at hindi pa siya *erase*, hindi na ako aasa, hindi na po ako maghihintay."
thursday na.
...wala...
*tugtug*...*tugtug*. . . *tug*. . . *tug*
parang tumigil pansamantala ang pagtibok ng puso ko.
nalaman ko na lang,
umiiyak na pala ako.
eto na naman.
naramdaman ko ulit yung kirot.
hindi ako makapaniwala.
pero pinipilit kong tanggapin.
...parang gusto kong bawiin yung hiningi kong sign kay God.
sunday.
10:30 ng gabi.
nakipagkwentuhan ako sa pinsan ko.
ewan ko kung paano
pero napunta ang usapan namin sa signs.
tinanong ko siya.
sabi ko:
"bakit ate, masama bang humingi ng signs?"
sabi niya:
"hindi naman...pero minsan kasi inuunahan natin Siya..."
ako:
"inuunahan?...paano?"
siya:
"eh di ba, madalas tayo ang nagbibigay ng mga signs na hihintayin natin?...ayun...dapat Siya ang nagbibigay...hindi tayo..."
ako:
"oh?...eh paano mo malalaman na yun na yung sign na yun?...i mean yung hiningi mo?"
siya:
"basta...malalaman mo na lang na yun yung sign na yun kapag nandun ka na...sa tamang panahon..."
mali pala...
mali ako.
tama si ate.
si God na bahala.
hindi ko kailangang magmadali.
may kanya-kanyang panahon ang bawat bagay.
darating din ang tamang sign sa tamang panahon.
wala lang. ;P
sana may naibahagi ako kahit papano.
_broken @ 10:01 PM
Thursday, December 15, 2005
CHRISTMAS PARTY. 8:30am ang simula nito...at nagising naman ako ng 8:02am ayon sa aking pinakamamahal na cellyphone...siyempre late na naman ako...buti na lang, walang attendance!!!...wakokoko...9:00am hindi pa ata ako naliligo...si papa kasi kung ano2 ang ginagawa sa banyo!!!...nagdedesign?!...wakokoko...kakaibaaaahhh!!!...basta ayun chuchu ever...9:37am nagtext si kinsley...*text* *text*...mga 10am sabi ko sa kanya punta ako bahay nila...(eh nahiya kasi ako!!!...ayokong mag-grand entrance ng mag-isa!!!)...10:37am nasa bahay na niya ako...naghintay pa nga ako sa gate nila kasi wala pa siya...nasa bahay pa ng bestfriend niya...nakoow talaga...pagdating niya, akala ko naman nakabihis na!!!...hindi pa pala!!!...may sa malupit talaga ang babae...nag-tricycle kami papuntang skul...grabehan yung regalo ni denise kay poli!!!...anlaki!!!...ansikip tuloy namin sa tricycle...feeling ko ang taba ko...wahehehe...pagdating namin sa classroom, games na!!!...yung newspaper dance!!!...sobrang macho talaga ni erika!!!...wakokoko...nabuhat ba naman si shane?!?!...grabehaaannn...hindi ko kaya yun...tapos sumali kami ni kinsley dun sa 'egg relay'...wahuhuhu...talo kami...isa lang nabasag namin...tskk...tapos...hindi na kami sumali dun sa 'longest line'...boys vs girls...siyempre nanalo ang mga boys!!!...naghubaran ba naman eh!!!...si froilan nga pati ung pantalon hinubad?!...may sira talaga...pati payong at salamin at kung ano2, nilagay na!!!...mula sa corridor ng darwin hanggang sa corridor ng edison ang nagawa nila...grabeh talaga...
PANIRA. siyempre tradisyon na sa kisay ang bigayan ng card pagkatapos ng party...landslide mga grades ko ngayon...dalawa ang na-retain na grades, dalawa ang tumaas, at lima ang bumaba (ang masaklap pa, ung isa sa mga yun, limang puntos ang binaba)...damnation...hindi ko nga ipapakita sa mga magulang ko yun...patay talaga ako...haaayyy...panira talaga...hmm...lahat naman kami ganun...halos lahat bumaba...but my parents won't take that as an explanation...darn it...ewan...kelangan kong bumawi...ampness... >:(
GATEWAY. dito kami pumunta pagkatapos nung party...nanood kami sine >> "Just Like Heaven"...ayaw nga ni kinsley nito kasi love story...nakakadepressed daw ang mga ganito lalo na kapag wala kang lovelife...wakokoko...ako lang talaga mapilit...wahehehe...ewan ko ba...feel na feel ko talaga siyang panoorin...at sa hindi sinasadyang pagkakataon, nakasama na rin namin sa panonood yung magsyotang 'bah'...hehehe...e15 at e16 ang pina-reserved naming seats ni kinsley samantalang g17 at g18 ang sa dalawa...grabehan yung movie...ang ganda!!!...sabay pa nga kaming naiyak ni kinsley!!!...wakokoko...ambabaw talaga namin...uu...maganda talaga...pramis...panoorin niyo...hindi ko na nga napansin yung sobrang lamig ng sinehan sa sobrang pagtutok ko sa istorya...da best...nakakatuwa rin...joke time kung minsan...hehehe...lalo na ung lalaking nagsasabi palagi ng 'righteous'...ayun...
TIMEZONE. alam niyo ba?!...may exceed na rin sa gateway!!!...wakokoko!!!...kanina lang yun binuksan!!!...yebah!!!...kaya bumili kaagad kami ni kinsley ng 100php na powercard!!!...da best talaga...sa tingin nga namin. hindi na kami makakaalis ng cubao kasi nandun na lahat ng gusto naming trip...wahehehe...kaso nga lang, madali kang ma-failed dun sa exceed nila...konti lang ang allowed na mistakes nung machine...tskkk...tapos 15php rin ang isang laro...haaayy...ang mahal talaga!!!...pero enjoy naman kaya okei lang...
** salamat sa mga nagregalo!!!...sa january na gifts ko sa inyo ha?!...wakokoko...pramis... ;P
** wala ng pasok!!!...mamimiss ko kayong lahat!!!...merry christmas!!!...
_broken @ 3:19 AM
Monday, December 12, 2005
ISANG ARAW NA NAMAN NG LAKWATSYA. walang pasok ngayon...may presscon ata o kung ano man ang meron sa school...siyempre at malamang na lakwatsya again...(palagi naman eh!)...kahapon nga, parang ayoko sumama kasi nga may sakit ako...eh kaso kelangan talaga ng pera, kating-kati pa ang paa ko sa lakwatsya, at naaadik na naman ako sa exceed, kaya sumama pa rin ako...
EXCEED. wala naman ng tao masyado sa exceed kapag nagpupunta kami...kung meron man, 9 tokens na lang ang pinakamarami...hmm...nagsawa na ata ang mga adik dun...kami rin, ganun na...tatlong tokens na lang ang maximum na nilalagay ng bawat isa sa amin...nakakapagod na kasi yung mga nilalaro namin hindi tulad ng dati kaya siguro ganun...hmm...kaya ko na yung mexi-mexi!!!...yahoo!!!...yun nga lang, hindi pa rin ako nakaka-A...haaayy...pero siyempre hindi ako susuko!!!...hindeeehh!!!...kelangang ma-A ko yun noh!!!...hanggang B lang kasi akuu...hindi ko pa ma-gets yung mga 'roll' chuchu...yung valenti, tinatry na rin namin kahit papano...dun talaga ako lagi D...kabobohan...hindi ko makuha ung timing...kainis...pero hindi pa rin ako susuko dun...nyahahaha...ayun...yun lang ata ang improvement namin sa ngayon sa exceed...haaayyy ulit...
KFC. dito kami kumain...sa may annex...wala lang...sawang-sawa na kasi kami sa mcdo...chaka nagtanong din kami tungkol sa pagkain ekek...balak kasi namin na wag ng magdala ng food sa xmas party...baleh papadeliver na lang...(halatang-halata na ang tatamad namin)...ang kulit nga ni maton kasi hindi kumain...nag-didiet DAW siya...isang malaking kalokohan...tapos usap-usap...mga 'sa tingin ko, sa tingin mo', mga chismaxx sa batch, mga taong kinakawawa nila froilan, at iba pa, ang aming mga napag-usapan...grabehan...
MOVIE. "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" ang pinanood namin...gusto ko nga nung chicken little kaso napanood na nung iba...kaya ayun...sila froilan para talagang naka-toma...halos ubusin yung asin sa popcorn!!!...grabehan...kaya yung popcorn parang isang malaking asin!!!...nakakatawa nga si erpak kasi reklamo nang reklamo na sobrang alat daw nung popcorn pero kuha naman nang kuha!!!...ibaaa!!!...halos nawalan ako ng tubig sa katawan nung kumain ako!!!...buti na lang may gummy worms ako!!!...wahehehe...nakakatawa rin naman yung movie...hmm...may kwento naman...tapos...hmm medyo nakakadiri rin na asteeg...haaayy ewan!...ang gulo ko na...basta in short, okei lang, nag-enjoy naman kami...ayun...wahehehe...kaso nabitin ako...akala ko pa naman magiging binata, este dalaga si maximo...at hindi ko na rin malaman kung nagkagusto na rin sa kanya si victor <<> maximo...wahehehe...ewan talaga...
_broken @ 2:31 AM
Saturday, December 10, 2005
**wala lang...may sakit akuu....mukang hindi ako makakapaglakwatsya bukas.....wahuhuhu...T__T...sana gumaling na ako....tskkk......kasi.....ayun...tskkk ulit...
**nanalo si nene!!!..wakoko...nanalo ako sa pustahan....wakokoko....(hoy kuya!!!...pera ko?!....nyahaha)
**wait...may tanong lang ako....bakit may mga bagay tayong nakikita o natatagpuan na magugustuhan natin...tapos ayun pala, hindi para sa atin??...yun bang parang pinatikim ka lang??...parang drugs....ganun....wala lang.....tinanong ko lang.....haaayyy....
_broken @ 11:10 PM
SAKIT NG LIKOD KO!. pano ba naman, parang wala na akong pahinga..sobrang hectic (oist, tama ba spelling?..dali...nabobobo ako ngayon) ng schedule ko!!!..lalo na ngayong linggo ito...artista??..wakoko....
una. noong sunday, december 4, 2005, umabay ako sa kasal ni kuya resty at ate joy...wahaha..for the first time, hindi na ako flower girl...wahehehe..buti hindi ako nadapa habang naglalakad...hindi kasi ako sanay sa high heels...rubber shoes lang ata ang alam kong sapatos...nyahaha...tapos...hmm...tumagal lang ata ung wedding dahil dun sa pichure-pichure click-click!!!...mga pinoy talaga...adik sa pichuran...hehehe...sa reception naman...pagdating ko dun, gutom na ako!!!...mohohoho....buti na lang!!!...MASARAP ANG PAGKAIN!!!....mohohoho ulit...saya talaga...sana nga dun ulit ung reception ni kuya edmond sa kasal niya sa january!!!...hehehe...takaw talaga...ayun...salamat kay God dahil umabsent kinabukasan si sir bocato!!!...may test pa naman kami sa chem...la lang...
pangalawa. tuesday, december 6, 2005, elimination day ng carol fest sa kisay...payapang daigdig at jingle bells na iniba ang arrangement ang mga piyesang ipinanlaban namin...nakakatuwa nga kasi sobrang lakas ng feeling namin na makakapasok kami sa finals...tuwing may practice nga kami, laging 'finals' ang nababanggit ng bawat isa...hehehe...ayun...buti na lang at nagkatotoo...si sir mallari ung nag-announce ng mga nakapasok...panghuli pa ngang binanggit ung section namin!!!...kaya sobrang kinakabahan kami at nawawalan na ng pag-asa...buti na lang talaga!!!...as in napatalon ako sa sobrang tuwa...at take note...naiyak pa ako!!!...grabehan ung ganun eh...first time kong umiyak sa school!!!...tskk...pero okei lang...at least dahil sa kasiyahan yooonnn...nyahahaha....
pangatlo. wednesday, december 7, 2005, finals na!!!...grabehan na talaga mga braderz...bakit??..isipin niyo.......sigeh pa.......hindi mo na kaya??....hindi nga??...siret ka na??....fine...wahehehe....eh kasi, hindi na namin nilabhan ung mga damit namin...(malamang!!!)...pramis...*erase* *erase*.......ayun...wahehehe....mga adik talaga kami....hindi na kami nagpraktis nung hapon pagkatapos ma-announce ang mga nakapasok...wala lang...nagkatamaran...tapos nung araw na mismo ng finals....mga pasaway talaga mga darwin tres...nagbabaraha ba naman?!?....grabehan....(oi hindi ako kasama dun noh?!...mabait ako...wakokoko....tulog po ako...Zzz)...wahehehe...nagkukulutan pa ang mga babae ng buhok!!!...samantalang yung iba, todo praktis pa rin...nag-aaway pa nga eh!!!...buti na lang....hindi kami nagkaganun....as in hindi kami nagkacramming...hmm...mga 5 beses lang ata kami nagpraktis...tapos na-inspired pa kaming lakasan lalo ung boses namin dahil sa ginawang pang-aasar ng curie tres...wahehehe...pero hindi naman ung masamang pang-aasar....mahal namin kayo curie!!!....wahehehe...salamats pala sa nag-cheer sa amin nung contest!!!...iba kayo!!!....wahooo!!!...hehehe....dahil kami ang last na magprepresent, nakita na namin lahat ng presentation ng mga kalaban namin...ang gagaling nila kaya sobrang kabado na kaming lahat....buti na lang at nandun pa rin ung energy namin...tinodo at binigay na nga namin lahat-lahat nung jingle bells na...wakokoko....(ilabyu shane!!!...iba kembot mo brader!!!..nakaka-inspire!!!...hehe)....palakpakan na nga ung mga tao paglabas ni cheung este ni santa!!!...wahehehe...clap3x....(lakas mo cheung!!!)...wahehehe......tinamaan pa nga niya ung isa sa mga judge ng candy na ipinamimigay niya....pasaway...salamat na lang at parang okei? lang dun sa judge..hehehe....nanalo po kami...yahooo!!!....2nd place nga lang...(1-bec4,2-DAR3,3-dar4)....ansaya talaga.....tapos yung mga details nung araw na ito....*erase* *erase*....hindi na dapat ikinikwento pa..... ;P
_broken @ 3:02 AM
Chatty Chat
please TAG before you leave! :)
Wishes
[_] new cellphone
[_] ipod
[x] chucks
[_] new guitar
[_] unliload?
[_] more money
[_] bears
[_] chocolates
[_] burgers
[x] pizzas
[_] movie tickets
[_] chick-flick dvds
[_] mr. right :)
[x] good health (esp. for my family)
[_] good grades
[x] more blessings
[_] great year 2007
[_] more friends
[x] pass entrance exams!!!
[x] better relationship with GOD