Friday, April 14, 2006
ang post na ito ay para sa isang kaibigan...
ito ay aking sariling opinyon o pananaw ukol sa bagay na ito...
yun lamang...
ang dalawang salitang: "let go"
ilang beses mo na bang narinig yan?
sabihin mo nga sa akin,
ilang beses na ba?
oo, oo
alam kong alam mo
alam natin na iyon ang tama
pero...paano?
paano ka magpapaalam sa taong mahal mo?
paano ka magpapaalam sa mga alaalang
nakaukit na sa puso't isipan mo?
bakit nga ba ang hirap maglet go?
ehem...ehem...
minsan sa kalsada ng buhay mo,
may makakasalubong ka na magiging kasabayan
mo sa paglalakad
ngunit darating ang oras, kahit ayaw mo pa,
na kailangan niyang lumiko at umiba ng daan
nang hindi ka kasama
magkagayon man, kailangan mong magpatuloy sa paglalakad
ang paglet go ay hindi katapusan ng mundo mo
bagkus, isa siya sa unang proseso o daan
patungo sa mas mabuting kalagayan o sitwasyon
"letting go is allowing yourself to grow up"
--- M. Scott Peck
mula sa sariling karanasan,
nung time na nakapaglet go na ako
nakita ko yung sarili ko
isang bagong ako
isang taong mas matured at mas matapang
marahil marami talaga akong natutunan
teka, naiintindihan mo ba itong mga
pinagsasasabi ko?!
ahmmm...eto, eto...
madalas kasi tayong maghold on sa mga taong mahal natin
kaya nahihirapan tayong maglet go
hmmm...
may nabasa nga ako na dapat daw
pinag-aaralan natin kung paano ang maglet go
habang nasa tabi pa natin yung taong mahal natin
kasi ang paghold on, hindi na natin kailangang pag-aralan pa
likas na sa tao ang gawaing ito
sige, lilinawin ko pa...
ihalintulad mo ang taong mahal mo sa isang baso
(oh yes...sa isang baso!)
dahil ayaw mo itong mabasag,
hinahawakan mo ito nang mahigpit
at sa sobrang higpit nang pagkakahawak mo,
hindi mo namamalayang unti-unti
mo na rin siyang nababasag
at kung minsan pa, kahit basag na ito
hindi ka pa rin bumibitaw
patuloy mo siyang hinahawakan
kahit na ang kamay mo ay
dumurugo na sa sakit
so! so! so!
dito na pumapasok ang paglelet go!
(na halatang kanina ko pa ipinapaliwanag!!!)
>> ang pagbitaw sa basag na baso upang mabawasan ang sakit
hanggang sa maghilom ang sugat na dulot nito
at mag-iwan ng pilat upang magsilbing leksyon sa iyo
at gabay para sa hinaharap <<
ayun...sana nakatulong sa'yo...