Sunday, June 11, 2006
isa-isang nawawala?
isa-isang nawawala
isa-isang nawawal
isa-isang nawawa
isa-isang nawaw
isa-isang nawa
isa-isang naw
isa-isang na
isa-isang n
isa-isang
isa-isan
isa-isa
isa-is
isa-i
isa-
isa
is
i
malungkot pala.
as in ganito oh ---> (T_T) :'C
una: si pwoylan.
--*~ lumipat slash bumalik sa dati niyang school dahil sobrang banal at walang bahid ng kahit anong dugo sa kanyang mga kamao. hehe! brader ko 'to kahit palagi kong binubully. bwahahaha! >:) siyempre namimiss din namin siya. iba pa rin ang ingay ng classroom kapag nandyan siya. iba pa rin kapag nakakarinig ka ng isang malupit at malutong na mura galing sa kanya. iba pa rin ang karisma ng kilay nyan. iba pa rin kapag nagbabakla-baklaan yan. iba pa rin kapag siya ang nagsasalita ng "what's this?! what's this?!". iba pa rin yung mga kalokohang naiisip niya. iba pa rin kapag kasama namin yan. buti na nga lang at dumadalaw pa sa kisay 'to eh. kahit gustong-gusto na raw niyang sunugin. haha. panu ba naman diba?! siyempre! ano! haha! kasi! ayun. hahahahaha.
^ mensahe: hoy! magpakabait ka na! tapos mag-aral kang mabuti! dapat makapasa ka sa UPCAT ha?! at saka alagaan mong maigi yung gurlfrend ko! otei?! otei?! huwag mong sasaktan yan! upakan kita! haha! haha! >:)
pangalawa: si retchuuu.
--*~ lumipad na papuntang Amerika (ding, ang bato! ... darnaaaa!!!). wala akong nagawa para mag-stay siya dito sa Pilipinas. umaasa pa rin ako na babalik siya. isang napaka-talented na tao at responsableng lider. humahataw na ingat-barya. ay! este! ingat-yaman pala. lumilipad ang kanyang sapatos sa lakas niyang sumipa! ang aming dakilang tfc subscriber! ang pinakamatamis na fasas sa buong galaxy! ang sexy artist! ang adik kay jason mraz! ang cry-baby ng darwin tres! at ang retchung pinakamamahal namin. isa kang malaking kakulangan sa amin.
^ mensahe: aba! dinala mo ba yung pabaon kong butong-pakwan?! nakow, rare na yan sa isteyts! haha. kung gaano karami yung butong-pakwan na yan, ganoon din karami yung mga nagmamahal sa iyo dito sa peylepeynas! namimiss na kita! pati sila, miss ka na rin. ilabshu! tsup!
pangatlo: si alam-niyo-na-kung-sino.
--*~ hindi siya nangibang bansa. hindi siya lumipat ng school. hindi siya taga-ibang section. pero bakit ganun? parang nawala rin siya sa amin. alam ko, lahat ng bagay slash tao sa mundo nagbabago. pero hindi sa lahat ng oras, gusto natin ang mga nagaganap na pagbabagong ito. may mga bagay slash tao na sana hindi na lang nagbago. tulad na lang niya.
ano, nagiging selfish na ba ako? o... hindi lang ako sanay na ganito ka? baka naman nabigla lang ako sa bilis ng pagbabago mo? ewan. hindi ko talaga alam. ang totoo, hindi namin alam.
^ mensahe: pssst! nasaan ka na? miss ka na namin! sana pumasok ka na sa school. first na first week absent ka! wala tuloy nakakatuwa sa classroom! <<>>
sana bumalik ka na...
...sa dati.
ibang-iba ka na. parang hindi na ikaw yung nakilala namin. baka nga... isang araw, hindi ka na namin kilala?! sana naman huwag diba? ayun. :C