Tuesday, July 04, 2006
EWAN. marami akong hindi talaga maintindihan. ang gulo-gulo talaga. ano bang nangyayari sa mundong ito?! hindi ba pwedeng maging maayos ulit ang lahat?! rewind! rewind! reeewwiiiinnnnddd!!! puhleaze!
1. ganun mo ba talaga kamahal yan?! kahit ilang beses ka nang niloko at sinaktan?! ewan ko sa iyo. hindi kita maintindihan. hindi na talaga kita maiintindihan. haaaiii. ngayon, hmmm naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang naging desisyon ni tut. kasi nga naman, parang balewala lang sa'yo yung mga payo namin. parang nakipag-usap lang pala kami sa bingi. sorry ha. pero gusto ko lang talaga ilabas lahat ng saloobin ko dito. para kasing ano. basta. sayang sa effort? sayang yung pagmamalasakit. yung ganun ba. haaaiii! ewan talaga! hindi naman ako galit sa'yo. pero ewaaaannnn. hindi na kita kayang intindihin. ayoko na. kung sabagay, hindi mo naman sinabing intindihin kita diba?! haha. gaga talaga. gaga talaga ako.
2. hmmm. gusto ko lang magcomment. wala lang. may nakita kasi akong status sa ym. sabi dun: "tanga lang ang naniniwala sa salitang LET GO.. kasi, pano mo nga naman nasabing nagmamahal ka, kung ang ipaglaban lang xa, di mo pa magawa!" hmmm. naniniwala ako sa salitang LET GO. pero hindi ko naman masabing tanga ako. depende siguro yan sa sitwasyon. hmmm. kasi para sa akin, maipaglalaban mo ang isang taong mahal mo kung mahal ka rin niya. eh paano kung hindi?! ipagpapatuloy mo pa rin ba ang isang laban kung mismo ang ipinaglalaban mo ay isinusuko ka na?! ngayon, katangahan pa rin ba ang paglet go?! katangahan pa rin ba ang pagnanasa na makaalis sa mga sakit na idinudulot niya sa iyo?! katangahan pa rin ba ang pagnanasa na umalis sa mundo na puro pangarap at kasinungalingan?! depende talaga. depende. wala lang. siguro may iba siyang pananaw ukol sa bagay na ito. pero ako, ito ang pananaw ko. ewan. paepal lang.
3. frustrated ako. pero hindi ito sa lalaki noh! asa pa. sa tut tut tut ito. ewan. nakakaiyak. waaaa! ngayon ko lang nararamdaman ito! bakit?! bakit?! am i not good enough?! waaaa! i want to disappear in a snap! *snap* shit. again. *snap* crap. i am still here. still breathing. still frustrated. (T_T)
pasensya na kayo sa mga posts ko ngayon ha. dito ko lang kasi talaga naibubuhos lahat ng emosyong nakakapagpasira ng utak ko. hindi naman ako makapagsabi sa mga kaibigan ko. ayoko nang dagdagan pa ang mga problema nila. at saka, kaya ko ito! waaaa!!! ewan. dalhin niyo ako sa mental hospital! i need some help! malulunod ako sa sarili kong kalokohan. (>_<)