Thursday, August 17, 2006
wooohooo!!! namiss kita blog kuuu!!! hehehe. kaya kwento-kwento na ako. okei??? owrayt!!!
UPCAT. hmmm. hmmm ulit. basta ang masasabi ko lang, pagkatapos na pagkatapos kong sagutan yung mga test... nablangko isip ko. hehehe. grabeh nga eh. ewan ko kung bakit ganun naging reaksyon ko. parang... tama ba yung mga pinagsasasagot ko? may mali ba akong ginawa? papasa kaya ako? binigay ko ba ang best ko? at kung anu-ano pang nakakabaliw na mga tanong na pumasok sa aking nablablangkong isipan. pero kahit ano pang gawin ko ngayon --- tumambling man ako o magsplit o maghubad sa kalye --- wala na. wala na akong magagawa pa. bahala na si God kung dapat ba akong pumasa dun o kung ano man. bahala na rin si wonderwoman o kung sino pang mga super-ekek sa tabi ng kanal.
at bago ko makalimutan, sumakit lalamunan ko pagkatapos nito. ang sarap ng chocolate eh!!! (n_n)
PERIO. haayy. ewan ko ba kung anong meron! may mga perio ako na sobrang taas ko at meron din namang sobrang baba ko! waaa. i hate it. wala na talaga akong pag-asa sa chem at research! why? why?! why me?!?! hala... nagdrama??? oh anywayzzz, sana makapasa ako. huhuhu. kahit 85 lang sa dalawang yun!!! puhleaze!!! huhuhu. para naman diba?! last year ko na itechi eh. gusto ko namang matuwa sa akin ang ermats ko sa family day!!! wakokoko. pero seryoso. yun talaga dahilan. kahit ngayong first quarter lang??? puhleaze!!! haaayyyyyyyy.
BARBIE. tapos na! woohoo! tapos na ang paghihirap ko! napasa ko na yung project ko sa theater!!! weeee!!! magdiwang tayong mga thespians!!! wakokoko. haaayyy. naloloka ako sa mga ginagawa sa amin ni sir eh!!! we're like robots! hindi ata theater arts ang elective ko kundi robotics!!! nyahahaha. grabeh talaga! hmfff.
PINOY WEEK. hehehe. week?! days lang naman. weh. hehehe. ayun. busy kami dito ngayon. kaya medyo excused lagi kami from class. hihihi. enjoy naman siya kahit nakakapagod at minsan ehhh nakakapikon. wala lang. ganun lang talaga siguro pag dedicated ka sa isang bagay o tungkulin. naks! wala ba kayong mga kamay?!?!!!!?? hehehe.
SABAYAN. hehehe. oo nagprapraktis na kami. kaya lang. hmmm. parang hindi na kami nakakaalis sa first stanza?! hehehe. ewan. kasi naman palit nang palit. wala nang katapusang pagpapalit. haaaayyy. problema kasi, ang daming leader sa edison. ang daming suggestions. nagkakasapawan na. ayun. sana lang walang mag-aaway diba?!?! kasi parang ano eh. tigilan na yang mga yan okei?!?! stop making chuva ekek na para masaya tayong lahat!!! yeah!!! i am kinda konyo again today??? why??? hehehe. yuck ha. itigil na ito. haha.
FOUNDATION DAY. malayo pa naman ito alam ko. pero mukhang hindi siya magiging masaya tulad ng inaasahan ko at ng iba pang mga estudyante sa kisay. mula first year hanggang fourth year, nagrereklamo dun sa team-team ekek. ang daming may ayaw. err naman kasi diba?! saan nanggaling yung ideyang yon?! ano ba yan. hindi man lang kumunsulta sa mga tao. sana humingi sila ng opinyon mula sa madla. tsk. nakakawalang-gana tuloy yung foundation. totoo itong sinasabi ko noh. lalo na kanina habang naglalakad kami ni kinsley pauwi, talagang yung team-team ekek na yan ang tema ng usapan ng mga peepz at ayaw nila ito. actually, kami rin --- ako rin. basta ang daming dahilan. sobra. sana hindi matuloy. ahahaha. pero ito talaga nasa puso ko ngayon! as in! hahaha. ayokong matuloy ito. dahil para sa akin, isa itong malaking kalokohan. hahaha. totoo. pasensya na sa mga nag-isip nito --- kung sino man kayo. pero ito ang nararamdama't naiisip ko. parang nagkaroon ng isang bagong batas ang isang bansa na walang hininging anumang opinyon mula sa mga mamamayan. ayooonn. ;P
HAPPY BIRTHDAY DANA MY LOVES!!! HAHAHA!!! BABOY ANG TANDA MO NA!!! PERO IKAW PA RIN ANG PINAKASEXY NA BABOY SA BALAT NG EARTH!!!!! WE LOVE YOU! ALAM KONG MAGKAKAROON KA PA NG MARAMING BIRTHDAY KASI ISA KA SA MGA MASASAMANG DAMO!!! AHAHAHA! JOKE! HINDI, HINDI... MABAIT KA KASI. YOOONNN!!! YUN YON EH!!! MWUAH MWUAH TSUP TSUP! GOD BLESS!