Monday, September 25, 2006
OI OI OI. hahaha. lalang. namiss ko ang pagbloblog. mustah naman? ahihi. lalang. ngayon lang nagkaroon ng oras eh. alam niyo naman ako, busy-busyhan palagi. feeling bubuyog. hehehe. ang dami na palang nangyari! haaayyy. kaya marami na naman akong kwekwento. :)
REUNION. oh yes. kahapon ito. sa side ng mama ko. dumating kasi ung isa kong tita galing isteyts. ung panganay nila. hmmm. wala lang. siyempre masaya ako. kainan ba naman eh. ahehehe. actually hindi ako kumain. lumamon ako! ahahaha. saya talaga. tapos yun. siyempre kantahan. at siyempre sa malamang, ayaw kong bitawan ang mic! you know... mahal namin ang isa't-isa. ahehehe. ang totoo, ako talaga yung dahilan kung bakit umulan nang malakas kahapon. ahahaha. jowk lang. ahahaha. tapos ang gaganda pala ng mga pinsan ko! eh kasi hindi ko pa sila nakikita. baleh kahapon lang. pero tsk! grabeh. kahit ako liligawan ko un eh kung lalaki lang ako! ahahaha. kaya nga patusan na ito ng pinsan! ahahahahahaha. jowk lang ulit. ayunnnn. lalang.
PAKIALAMERZZZ. bakit ba sadyang ganito, ha?! bakit ba palagi na lang PTA ang nagdedecide kung saan kami magfifieldtrip, magproprom, magreretreat, maggragradball, etc.!!! pwede ba?! bigyan niyo naman kami ng freedom to choose whatever we like!!! hindi naman habang buhay aasa lang kami sa inyo o kayo ang magdedecide para sa amin. what's the use of the CYL4 officers kung hindi niyo sila pagfufunctionin?! diba diba?! and besides, it is our fieldtrip, it is our prom, it is our gradball, it is our retreat, it is for us and not for you. alam ko na ang mga magulang ang gumagastos para sa kanilang mga anak. pero bakit naman ang mga magulang ko, ako ang pinagdedecide sa mga ganyang bagay?! hay nakooo. pwede naman tumulong eh. but to plan and arrange the whole thing, eeengk! a big no-no. i just hope na marealize nila na dapat nilang ibigay sa mga seniors ang pagdedesisyon diyan. last year na namin ito. gusto naman naming ma-enjoy nang buong-buo ang bawat nalalabing sandali na magkakasama kaming lahat. tsk. haaayyy. sana lang talaga.
PLAZTIKZZ. grabeh. sadyang hindi mapigilan ang paglitaw ng mga plastik sa mundong ibabaw. sarap mangain ng tao. kaya lang, naalala ko, plastik nga pala sila. awwwww. hindi ako matutunawan if ever! nyahahaha. nakakainis naman talaga kasi diba?! ako kasi pag bati na, bati na! wala ng dapat pag-usapan pa! eh pero anu bang magagawa ko?! may mga taong ganun talaga..? ahahahaha. bahala na si God sa kanila. i know He will teach them a lesson they will never forget. >:)