Saturday, November 11, 2006
KINSLEY, sa unang pagkakataon eh gusto kong mag-comment. nabasa ko yung blog mo at halu-halong emosyon ang naramdaman ko. pero sa lahat ng yun, masasabi ko na tama ka. nagsisisi rin ako. oo nga ano?! napaisip tuloy ako nang sobra ngayon. dati hindi ko maintindihan kung bakit lumayo sa atin si retchu ng dahil sa kanya. nagtatampo pa ako nun pero ngayon, hindi ko siya masisi dun sa naging desisyon niya. sana nakinig na lang din ako sa nanay ko. haha. gaya-gaya eh noh?! pero ganun naman talaga eh. kung nakinig lang sana tayo. kung sumunod lang sana tayo. sana hindi ko na lang siya pinagtanggol nun sa mga magulang ko. hahaha. ang sarap tumawa nang masama ang loob mo. nakakabawas kahit papano. mas pinili ko ang manahimik kasi ayokong makasakit. kasi ayokong manira. kasi iniisip ko rin kahit papano yung napagsamahan natin. pero anung ginawa niya?! hahaha. tama ka. hindi pa rin siya nagbago. ang dami talagang namamatay sa maling akala. ni hindi ko nga alam yung ginawa ko sa kanya. haaaiii. tama. hirap na rin akong umintindi. hirap na akong unawain siya. hirap na ako. di ko na rin kayang tiisin pa. tama. tama ka. nakakasawa na. nakakapagod na. sana sinabi na lang niya sa akin. hindi yung sa iba pa tapos may kahalo pang kung anu-ano. hahaha. buti kung katotohanan lahat eh. grabe talaga noh? yung sa hindi natin siya sinasabihan ng mga sikreto... hmmm... nadala lang siguro tayo sa kanya. papano, pag may sasabihin tayo, kahit sabihin natin sa kanya na huwag sabihin o magparinig etc., eh ginagawa pa rin niya. valid naman siguro yung reason natin kung bakit hindi na tayo masyadong nagsshare sa kanya. at kung magsshare man tayo eh naghahanap tayo nang magandang oras tulad nga nang sinabi mo rin dun sa isa mong post. yung sa mga lakad naman, naexplain mo na rin dun. at yun lang naman talaga yung mga dahilan kung bakit hindi na tayo nag-aattempt na yayain siya. dun sa ipinapalit natin si dana sa pwesto niya eh parang hindi dapat ganun diba. nagkataon lang na wala rin siyang magawa at marami siyang oras para sa lakwatsya. chaka wag siyang mag-alala dahil walang sinabi yung mga "yun" na mas grabeh pa sa mga sinabi niya. haha. may mas gragrabe pa ba dun? at chaka hindi naman sila ganun. wala silang magandang reason na maibibigay para palalain pa yung mga nasabi niya. siguro hindi na talaga kayang ibalik. kumbaga sa baso, may lamat na bago pa magsimula ang "pagkakaibigan". basag na basag na ngayon yung basong yun. masakit din naman sa akin yung ganito. biruin mo ba naman diba. pero wala na talaga. sabi mo nga gurl, the limit already existed! hahaha. si God na bahala sa kanya. "...what goes around, comes around. what goes up, must come down." wahehehe. gusto ko pa rin na maging masaya siya. hindi magbabago yun kahit ganito ginawa niya. everyone deserves to be happy, right? and so do i. thank you rin pala sayo gurlfrend! all the way na natin itong friendship natin! hahaha. all the way talaga yung term eh noh?! wala lang. sana pagpalain ka pa ni God. nandito lang din ako parati. salamat sa lahat. lalo na sa pagpapasensiya sa akin tuwing may topak ako. sorry rin sa lahat ng kagaguhan ko. sorry for not being the best. pero don't worry, tinatry ko naman. sobrang hindi kita malilimutan. waaahhh. pag nareincarnate ako, sana makilala pa rin kita. oo kahit bulate na lang ako. hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita at naging bahagi ng buhay ko. isang magandang bahagi pala ng buhay ko. thank you. thank you. huwag kang mababagok ah?! memory card din kita diba?! haaaiii. sa buhay, hindi mo kailangan nang marami kang kaibigan. dahil aanhin mo ang marami kung iilan lang ang totoo. totoo kahit hindi perpekto. hindi perpekto pero mahal ka at tanggap ka. labshu gurl!!! maging masaya ka sana sa lahat ng gagawin mo. mwah3x tsup tsup! gaya lang kay maton! wahehehe. thanks ulit! ;P
_broken @ 4:41 AM
CEREALICIOUS. wahehehe. ansakit na ng lalamunan ko!!! araw-araw ba naman kaming kumakain dun?! waaaahhh!!! medyo malat na nga rin ako ngayon eh. pero okei lang. masaya naman kami dun at chaka masarap naman yung mga cereal nila. yung nutting hill pala eh walang banana!!! weeee!!! kaya nga yun na yung 2nd favorite ko dun! wahehehehe. ayun.
EXCEED. woooohh!!! again and again!!! nagpapakasaya na naman kami dun. wala lang. nakakamiss eh. chaka naisip ko rin na baka sa college hindi ko na maulit yung mga ganito. alam mo yun. baka kasi iba na yung trip ng mga magiging friends ko dun. wahehehe. si ellis talagang nagprapraktis nung pray eh. desidido ba?! wahehehe. basta we'll support her!!! triny namin yung deja vu crazy ni kins!!! wahahaha. infairness hindi kami F!!! yeah. praktis lang din ang kelangan dun. hanggang sa sisiw na lang para sa amin?! weeee!!! gudlak talaga sa amin.
GC. magpapaka-gc na ako ngayon. hindi naman yung todo. pero parang ganun na rin?? ahihihi. wala lang. may gusto lang akong patunayan sa sarili ko. gusto ko na kahit marami akong extra-curricular activities eh hindi ko mapapabayaan yung studies ko. naks! yung may equilibrium ba yung student life ko! ayuuun!!! wahehehehe. basta yun! ;P
_broken @ 1:15 AM
Wednesday, November 08, 2006
REGATONES. ito yung sinayaw namin sa sm foodcourt para dun sa cultural dance festival contest nga. 2nd place lang kami pero siyempre sobrang saya na namin nun. hindi naman kasi namin ineexpect yung ganun. (n_n) nag-enjoy talaga ako dun sa sayaw namin. hindi na nga ako nahiya. as in todo ngiti ako nun. hehehe. galing pa ng partner jihad ko! hahaha. star kami eh. hahaha ulit. nakakatuwa nga nung dumaan kami dun sa may "secret passage" ng sm foodcourt. yun bang dinaraanan ng mga artista pag magpeperform sila o magpropromote ng kung anu-ano sa sm. wahihihi. siyempre feel na feel namin yon. haha. oh yes. haaaiii sana talaga maulit pa yun! o kaya dumami pa yung mga experiences namin sa pagsasayaw ni kins. hehe. kahit san pa yan o kahit kelan?! weeeee. nagsisisi talaga kami sa mga hindi namin nasalihan kaya naman babawi kami ngayon. yeah boi.
_broken @ 4:36 AM
Thursday, November 02, 2006
SAYAW. hehe. i am back? nagsasayaw na ulit ako. namiss ko rin yung ganun. yung pagpapawis ko sa sobrang pagod at pagkahilo dahil sa mga mememoryahing mga steps. hmm. may contest kasi sa wednesday. cultural dance festival ek-ek. grabeh noh?! ngayon lang kami nagpraktis. pero infairness tapos na namin yung buong sayaw. hmm. yun nga lang eh kailangan pa talaga ng praktis. konting plantsa pa siguro. hehe. si jihad nga pala yung kapartner ko. si idol na sobrang gc! hehehe. sana kaya na niya bukas yung mga steps?! hehehe. sana lang talaga. hmmm. si ano nga eh... ano!!! hahaha!!! ayikeee!!! nagkaroon ng instant loveteam?!?!! hehehe. may title pa nga yung love story nila eh!!! hahaha talaga. >:) natutuwa rin pala ako sa choreo namin ngayon --- si kuya hayden!!! ang kulit-kulit niya sobra. ang galing pa rin talaga niyang sumayaw. walang kupas ba?! tapos pareho kami ng kinuhang course sa up diliman --- film and audio-visual communication!!! yahooo. masaya nga daw dun talaga eh. sana nga? hehehe.
CEREALICIOUS. kumain kami dito kanina. ang sarap nung inorder ko --- oreo and juliet!!! hehehe. try niyo. pramis masarap siya! masarap din naman yung mga inorder nila erps pero dun talaga ako pinakanasarapan. hehehe. gusto ko sana yung nutting hill dahil sa koko crunch kaya lang eh may banana!!! nasusuka pa naman ako dun kapag may kasamang milk! wahuhuhu. pero siguro ittry ko pa rin yun someday. (n_n) si dana nga nakakatawa kasi ayaw niya talaga ng milk! kaya ayun, dry yung cereal niya. hehehe. ang bigat talaga sa tiyan nung cereal. haaaay!!! pero okei lang. nag-enjoy talaga ako dun. siguro magiging tambayan na rin namin yun. hehehe!!!
_broken @ 6:22 AM
Wednesday, November 01, 2006
HAPPY HALLOWEEN. awooo!!! hehehe. wala lang. parang hindi ko kasi feel na halloween ngayon. tsktsk. hindi tulad noon nung bata pa ako na hindi ako makatulog nang mag-isa pag ganitong mga araw. hehehe.
SEMBREAK. wala akong ginawa buong sembreak. marami namang pwedeng gawin kaya lang tinatamad talaga ako. haha. as in ayokong gumalaw eh o magsalita man lang. nanood lang ako nang nanood. at sobrang nawili rin pala ako dun sa boom tarat tarat na yan! ahahahaha. powtek. ampanget eh pero ganun talaga. lalo na pag sinasayaw na ng mga tao sa wowowee. hahaha. para silang timang eh pero cute naman?! ahihihi. boom tarat taraaat! boom tarat taraaat! taraaarat! taraaarat! boom! boom! boom! nyahaha. pati ba naman dito?! hindi ko na talaga tinantanan yan!
PERIO. hay nakooo. nakikinita-kinita ko na yung mga bagsak ko ngayon eh. hahaha. hahaha. hahaha! wala lang. tumatawa na ako ngayon kasi baka hindi na ako makatawa pag nakita ko na yung card ko eh! hahahahaha! baliw na ba ako?! haaayy tinotopak na naman ako. makakabawi pa kaya ako?! hahaha. lagot talaga ako nito. tsktsk.
TAHIMIK. kruuu! kruuu!!! kruuuuuu!!! kruuu! hehehe. may ganyan pa talaga eh noh?! wala lang. parang ang tahimik kasi ng buhay ko ngayon. alam niyo yun?! hindi naman sa wala akong problema o sinapian ako ng mabuting espiritu at hindi na ako nag-iingay. hmmm. ewan ko talaga. pero masaya naman ako sa ganito. kaya lang parang naninibago ako. ayun ayun. (n_n)
_broken @ 2:01 AM
Chatty Chat
please TAG before you leave! :)
Wishes
[_] new cellphone
[_] ipod
[x] chucks
[_] new guitar
[_] unliload?
[_] more money
[_] bears
[_] chocolates
[_] burgers
[x] pizzas
[_] movie tickets
[_] chick-flick dvds
[_] mr. right :)
[x] good health (esp. for my family)
[_] good grades
[x] more blessings
[_] great year 2007
[_] more friends
[x] pass entrance exams!!!
[x] better relationship with GOD