Saturday, December 16, 2006
pagkagising ko kanina, ang sakit pa rin ng mga mata ko. akala ko masakit lang pero pagtingin ko sa salamin... wohow! parang kinagat ng ipis! hahaha!!! kaya inasar na naman ako ng mga kapatid ko. ang arte-arte ko raw kasi at umiyak pa ako. hmf hmf. bakit ba?! feel ko eh. hahaha. buti na lang pagkaligo ko nawala na yung pamamaga. ayoko namang sumimba na ganun yung itsura ko diba?!
pumunta kaagad ako sa bahay ng lola ni maricor pagkatapos magsimba. dun kasi yung venue ng praktis namin sa carolfest. nakakainis nga kasi last praktis na nga, hindi pa rin kami nakumpleto. ang totoo wala pa kaming naging praktis na lahat kami eh nandun. makikita mo si ganyan ngayon, bukas hindi na. problema pa, wala pang costume yung girls kasi wala na raw stocks yung store sa divisoria. eh @$^* pala eh! grrr! ang labo kausap. kaenes. so anu kaya mangyayari sa amin nito?! haaaayyy goodluck na lang talaga sa edison. kahit mapresent na lang namin ito nang maayos. namimiss ko tuloy yung darwin 3. haaayyyyyy ulit.
nagkita kami ni mama sa sm nung pagkatapos ng praktis. bumili na ako ng damit sa christmas party. ang napansin ko lang, hindi na ganun karami yung mga taong bumibili. i mean hindi na yung siksikan kung baga. hindi tulad ng dati na talagang pag may nakita kang maganda at bagay sa iyo na damit eh kunin mo na dahil kapag hindi, hindi mo na yun makikita poreberrr!!! nyahahaha. ayon.
nasa mga balikat-braso-kamay-hita-binti-paa namin ni kinsley ang paghahanap ng costume naming mga girlaloos para sa monday bukas. susuungin po namin ang napakasikip na divisoria para lang dito. gosh. sana eh makauwi pa kami ng buhay at kumpleto. nyahahaha. pero seryoso, yun talaga ang kakaharapin namin bukas. i can see it very very damn clearly. ganun pa man. i am little bit excited about this whole thing. woohooooww!!! \m/
_broken @ 12:39 AM
Friday, December 15, 2006
mga 8 na ako dumating ng school pero konti pa lang yung mga tao. marami siguro ang late o nagpalate o talagang hindi pumunta. may pasok pa rin yung mga lower year pero half-day lang sila. actually, ngayon ko lang sobrang nadama na fourth year na ako. nakacivilian kasi kami (white shirt tapos maong pants) tapos wala lang. haha. hindi. kasi parang pag nakaganun ka, fourth year ka. hahaha. ambabaw. pero kasi naman pag naka-uniform ang lahat ng tao sa kisay, hindi mo matukoy kung sino yung senior sa hindi. hahaha. baby-faced kasi kami eh. nyahahaha!
dami kong food na dinala. pati si dana ganun din. parang magfifield trip tuloy kami! hehehe. so ayun, kain kami nang kain ni dana. gumawa na nga kami ng mini trash can kasi sobrang dami na ng kalat namin.
yung "lessons" namin ay tungkol sa talents, dreams, at time management. well, naabsorbed ko naman yung mga yun kahit papaano at sana ay magamit ko sa hinaharap. (n_n)
"one way" yung ipinangalan namin sa group namin. si karina ata yung nagsuggest nito. basta sa grupo nila. hehehe. kasi nakadisplay sa classroom namin yung signboard na one way na kinuha ng mga lalaki ng edison four nung nasira (kung nasira nga). hahaha. puro kalokohan nga yung nilagay namin na description ng one way group sa manila paper. may "nasty" pa at "malicious". grabehan talaga ang topak namin. hehehe.
dahil wala kaming lunch na dinala, nagpadeliver na lang kami sa sbarro courtesy of kinsley. hehehe. ansarrraaappp!!! hahaha. mahal pero sulit talaga.
pichur-pichur kami ng bogs pagkatapos ng lunch. may signature pose na pala kami. wala lang. nakakatuwa eh. (n_n) ito siya:

mga 1:15pm na nagsimula yung "activity" namin. sarap sanang ikwento dito sa blog pero may code of secrecy ekek kasing ginawa kaya sa puso ko na lang itretreasure yung mga nangyari dun. hahaha. talagang sa puso eh. awww. ahihihi.
basta go one way group!!! galing-galing natin. tayo ang unang nakatapos!!! i love you guys! kahit sandali lang tayo nagkasama-sama. nakakatuwa nga kasi hindi ko alam na natatakot pala yung iba sa inyo sa akin dati. napaisip tuloy ako kung ganun ba talaga ako kasungit tignan?! nyahaha. pero sana dati na lang talaga yung impression na yun. hehehe.
ang dami ring nagkabati ngayon! at siyempre, isa ako sa mga mapalad na napabilang dun. ;P haaayyy. ang saya kahit nakakapagod at sumakit ang mga mata ko. ayun. thank you GOD! ilove you po. at chaka sorry talaga (as in) sa mga kalokohan ko. (n_n)
_broken @ 2:26 AM
Thursday, December 14, 2006
recollection na namin bukas. haaayyy kainis. dapat retreat talaga 'to kaso ang daming ekek cheverloo kaya naging recollection at sa school na lang gaganapin. group five pa nga ako kaya sa edison four room din ang bagsak ko. harhar. so talagang hindi magbabago ang paligid ko?! buti na lang may mga kaclose ako sa group na ito at hindi ako masyadong mabobored if ever na maging boring nga. (n_n)
_broken @ 1:24 AM
Wednesday, December 06, 2006
wala lang! masaya eh. unti-unti nang nagliliwanag ang aking dinaraanan!!! wohow! oh dabah?! may ganung effect!!! basta. basta. buti na lang nandyan yung friends ko. hahahaha. kasi naman simula last week eh araw-araw ata akong umiiyak! nyahaha. umiyak din ako today pero okay lang!!! hehehe. wala lang. hahaha. di ko mashare dito. pero pero para akong nabunutan talaga ng tinik. kaya pala may mga ganun noh?! alam niyo yun?! mga bagay na nangyayari kahit ayaw mo. kasi kasi yun yung dapat. hahaha. galing talaga ni God. thanks again. hehehehe. saya talaga. ayon. ;P
"i am going to start all over again.
oh, my life isn't going to end yet.
a new beginning awaits for me."
:-)
do learn to accept things
even if it is hard to
_broken @ 4:37 AM
Sunday, December 03, 2006
SPORTSFEST. kakauwi ko lang galing circle. hehehe! sobrang pagod talaga ako ngayon. ewan ko ba at nagbloblog pa ako. haaayyy, may sa topak na naman ako. hmmm...grabe nga eh. nakakawindang yung mga pangyayari. ahmmm...sabihin na lang natin na hindi ko ineexpect na ganun. wahehehe. basta. pero nakakaasar siya infairness. haaayyy ulit. siguro hindi talaga nila kami maiintindihan. wahahaha. ganyan talaga kaming mga batang frisco. nyahahaha. >:) ajaaa!!!
PAGOD. waaaahhh!!! gusto kong mapagod!!! hahaha!!! weird ba?! hehehe. oo nga noh. hahahaha. well oh well, pero yan talaga ang gusto ko ngayon. yun bang sa sobrang pagod eh diretso tulog na lang ako. hahaha. bumalik na naman kasi yung insomnia ko. hahaha. at iyan lang ang naiisip kong paraan para mawala ulit yun. haaayyy. gusto kong gumalaw nang gumalaw pero ayokong mag-isip. hahaha. oo. oo. ayoko nang mag-isip. gusto kong maging robot ngayon ----- buhay pero parang patay. nyahahaha. naloloka na naman ako. ganito siguro epekto pag sobrang pagod ka na at nagpipilit ka pa na magpakatalino. nyahahahaha. ang sarap tumawa. hahahahaha! mohohohoho!!! wahehehehehe! ahahaha. ayoko na. para na akong baliw. haha. hindi naman masyado?! ;P
"i ain't going to wait for you anymore,
'coz i've gone too tired of that thing.
no more stupidity and daydreams,
don't want to mess up my life again.
but tell me, why am i still here?"
_broken @ 3:05 AM
Chatty Chat
please TAG before you leave! :)
Wishes
[_] new cellphone
[_] ipod
[x] chucks
[_] new guitar
[_] unliload?
[_] more money
[_] bears
[_] chocolates
[_] burgers
[x] pizzas
[_] movie tickets
[_] chick-flick dvds
[_] mr. right :)
[x] good health (esp. for my family)
[_] good grades
[x] more blessings
[_] great year 2007
[_] more friends
[x] pass entrance exams!!!
[x] better relationship with GOD