anyway, ito na ang highlight story ng araw ko ngayon. hassle nga kasi pagkatapos naming "magkalat" kanina sa classroom, eh diretso naman kami sa kantahan. tapos yun nga pumunta na kami ni erpak sa conference room. kaya lang bigla kaming tinawag na dalawa kasi magpapaclass picture pa raw yung edison 4 para sa prom. so?! musta naman yun?! tapos ang problema pa, kailangan siyempre na nakauniform. eh di yon, todo bihis naman ako. pinatong ko na nga lang yung uniform ko sa damit ko at palda. hahaha. ang masaya lang, pagkatapos nung pichuran, halos lahat ng kaklase namin ay pumunta din sa conference hall! wooo! dumami bigla ang aming supporters! clap3x! :) pang-anim kami sa magpeperform kaya medyo nakapaglabas pa kami ng tensyon, kaba, at lahat na! nakakatawa nga kami ni erpak. kung anu-ano pinagsasasabi namin sa isa't isa. tulad nito: ako: wah erpak kinakabahan ako! hahahaha. may matching tanong-tanong pa yan sa mga tao kung kaya ba talaga namin. tapos nung malapit na talaga kami magperform, ito na naging usapan namin: ako: grabe malapit na tayo! *hinga malalim* sa unang pagkakataon ay nagpray kaming dalawa ni erpak bago kumanta. haha. infairness, ang kyut nung prayer namin. ang kulit ko rin. imbes na "Siya nawa" yung response ko ay nagiging "aja!". haha. hindi ko naman sinasadya yun. pangpawala lang siguro ng kaba. ayun. :)
erpak: ako rin eh!
ako: waaah! dapat hindi tayo kabahan! kaya natin 'to! aja!
erpak: oo kaya natin 'to brad!
*apir*
erpak: kaya natin 'to. anu ka ba.
ako: oo nga. wah hindi na ako kinakabahan! (ows?!)
erpak: ako rin. basta akin yung isang mic.
ako: oo sige. basta i-testing muna natin para sure.
erpak: okay. teka brad, pray tayo.
ako: okay. :)
nagtext kasi si dana kaninang umaga na lumabas na raw yung results. siyempre todo kabado naman ako. feel na feel ko kasi ang aking kabiguan sa test na yun. ang dami kong nagawang mali nung nagtest ako. tsk. tsk. hanggang sa nagtext na rin si kinsley at binalita na pumasa raw ako! weee!!! talon-talon mode ako! hahaha! talon! talon! hehehe! tapos sinabi ko na kay mama kaagad siyempre. weee!!! :)